Wednesday, April 25, 2007

Sabaw

8:41 PM na at nasa office pa ako. Sabaw na utak ko at nag iinternet na lang ako. Medjo ngarag ako kasi nag ttrain ako for a new role at nag o-audit pa. Kumuzta naman ang pagiging Darna di ba. Super aga ko pumasok kanina, mga 7:30AM andito na ako. But no, until now, andito pa ako. Buti sana kung binabayaran ako ng overtime di ba.

Well, nag blog talaga ako dahil sa pangyayari nung Thursday. Naloka lang ako. Well, marami na ang nakakaalam. To cut the story short, nakita ko siya dito sa office. Small world di ba? At eto pa, sa lahat ng teams na pwedeng mag interview sa kanya, sa amin pa. Kung nagkataon, magiging Team mate ko ULIT siya. Bokot. Na haggard talaga ako.

Siyempre, tiwang moments divine? Kinausap ko naman daw di ba. Catching up on things etchos, basta ganun. At, ang pinaka bagag! thing, medjo pareho kamin ng kulay at outfit divine. Ako naka black pants, white top, RED suspenders. Siya naman naka black pants, white top at RED tie. O di ba? Coincidence ba ito? Ewan.

So ayun. Yun lang, tiwang moments. Nadagdagan tuloy pagka SABAW ko.

Sabaw ever.

(PEP) Ivy, umalis ka sa katawan ko.

(IBM) Marose, wag mo akong sapian.

chos!

Saturday, April 14, 2007

Kinakalawang

Tagal ko na di nagbabanat ng buto.

Tagal ko na di nag split.

Tagal ko na di nagpawis dahil sa exercise.

Tagal ko na di nag jog.

Tagal ko na di nag conditioning chever.

Tagal ko na di naririrnig ang palakpak at hiyaw ng mga tao.

Tagal ko na di kayo nakikita.

Tagal ko na di nagsasayaw.

Kung pwede lang balikan ang nakaraan...

Makakapagsayaw pa kaya ako?

Emo mode...

*sniff

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin