Thursday, December 6, 2007

Car Stuffing

Kahapon, umuwi ako ng maaga kasi gusto ko magpahinga kasi nga may sakit ako ng slight. By 6:30PM, nasa bahay na ako at naonood ng TV. Inabutan ko pa ang Deal or No Deal. Maaga nga talaga ako nakauwi. Nagdinner ako at lahat ng biglang kinukulit ako ng mga tao. Si kaeos ung nauna, punta daw ako sa AS Parking lot kasi sasali daw ng Car stuffing. Si Deo din nag text. Syempre, inatake ako ng katandaan at ayoko sana. Gaol ko magpahinga, ayoko mangarag. But no, tumawag si Madame President aka Andrea at pinapapunta ako sa event. Ok fine, eeffort ako, para FUN.

Pagdating ko dun, ang saya. Ang dami namin. Syempre, gawa ng strategy para makapasok kami lahat sa sedan. Ang team name namin? UP Friends Squad. Hahaha! Di ako handa kasi akala ko magtutulak lang ako ng tao. Ngek, kasali din pala ako. OK. Trial period. Syempre, para kaming dukha na tumatako ng naka paa para pasok agad sa car. Kadiri, basa pa naman ung ground. Ewwness..hehehe.. Sa front seat kami ni Inad, nauna siya, then ako. Si Baby Pio naaapakan na namin. Nung nakaupo na kami, sabi ko kay FF

Ako: FF, pasok na!
FF: Ha? Saan?
Ako: Dito.
FF: (Pinasok ang ulo then inalis) Ang baho!
Inad: (With matching tinataboy-kita-dahil-hampas-lupa-ka tulak) Mars! Umalis ka jan! (Take note: Pinagtulakan niya ako palabas habang hinahawakan si Ajin na nasa harapan niya) Basta ganun.

Siyempre, baba ako agad at dali daling siniksik sa Melanie at Irish. Oo na, dalawang tao katumbas ko. Napaisip tuloy ako na ang taba ko na nga talaga. hahaha! anyway, trial pa lang un.

This is it. Final na. Nakagawa na kami ng plan kung pano namin isisiksik ang mga sarili namin. Ayun, pasok na muna mga babae at iba pang maliliit. Di na ako pumasok, tiga tulak na lang ako. Yuh, pusher ako. hahaha! Ayun. 22 dapat sila sa car, kaso 21 lang ang count kasi si Eli ang salarin. Lumabas kasi agad. Hehehe. Ok lang un. Now, alam na natin kung paano. Next year paghandaan natin at dapat lahat ng tao ka size na ni Andrea para winner. Hahaha!

Next fund raising project, sumali sa most unique papaya whatever chever. Hahaha! Try na natin. Tumabling, magpa toss, magpa lift o kung ano man habang naka papaya! Ah basta, kelangan ng pera. hehehe

Basta mga Up Friends Squad, isama nyo ulit kami. hehehe

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin