
6,8,10, 11,12, 14
FAIL
Paulit ulit. Paulit ulit. Paulit ulit.
Minsan, may mga bagay sa mundo na sadyang uulit gaya ng kasaysayan, pagbabago at iba pa. Maaaring maganda maidulot nito, maaaring hindi. Nasa sa atin naman un kung pano natin titingnan. Pero may mga bagay talaga na sadyang nakakarindi pag paulit ulit. Ung tipong pinagusapan na, uulitin pa.
Walang katupusang diskusyon sa iisang bagay. Edi sana nag record na lang at press play para mas madali. Lagi kong iniisip na umuulit ang bagay kasi di talaga napagusapan ng matino. Pero paano kung napagusapan ng matino at pag anjan ulit, babalik sa dating isyu?
Nakakapagod. Sayang sa oras. Dapat may iba ka nang nagawa kaso kelangan umulit, edi di mo nagawa.
Masamang bang magkaron naman ako ng panahon para sa sarili ko? Panahon para makita ang ibang tao sa buhay ko? Oo, marami akong kaibigan, grupo o kasama. Nakikita ko ba sila lagi?
HINDI.
Malaking bagay na ba yung kitain ko ang iilan sa kanila ng isang araw sa isang linggo? Paano kung biglaan? Paano kung nakasalubong ko lang, nagkaayaan at nagkaron ng biglaang lakad? Wala na ba akong karapatan mag desisyon kung lalabas ako o hindi?
Naaalala ko noong nasa high school pa lang ako. Ni minsan, di ko maalala na pinagbawalan ako ng magulang ko lumabas. Layas ako, oo. Dahil alam nila na kaya ko sarili ko at alam nila sino ang kasama ko. Magulang ko nga chill lang eh. Kaya di ako sanay na may nagdidikta kung anong dapat at hindi ko gawin.
Hindi naman sa hindi ako marunong sumunod. May sarili akong pagiisip at kaya ko pangatawanan ang mga desisyon ko. Gusto kong lumabas kahit wala akong pahinga o tulog, gagawin ko kasi kaya ko. Ano ba naman ung ilang oras na kapalit makasama lang ang mga taong di ko naman laging nakikita.
Nakakalungkot lang isipin na kahit anong gawin kong paliwanag ay di mo ako maintindihan. Ay mali, ayaw mo akong intindihin. Naririnig mo lang, pero di ka nakikinig.
Siguro sanay ka na nakukuha lahat ng gusto mo. Sanay ka na lahat ng tao napapasunod mo. Sanay ka na ikaw ang unang iintindihin.
Ni minsan ba, naisip mong intindihin ang iba? Ni minsan ba naisip mo na may iba naman akong pwedeng gawin at makasama?
Dati na nating pinagtalunan to, pinagusapan, at ngayon naman umulit. Akala ko OK na, un pala hindi. Kasi kahit kelan, di mo matatanggap na may ibang taong kukuha ng atensyon ko.
Tatapatin kita. Di ko pwedeng di na sila kitain kahit paminsan minsan lang. Ung iba sa kanila nasa buhay ko nung dating dati pa, bago ka pa pumasok sa buhay ko.
Sana maintindihan mo na may iba pang tao sa mga buhay natin maliban sa ating mga sarili. Hinahayaan kitang makipagkita sa mga kaibigan mo kasi alam ko di mo sila laging nakakasama. Umayaw ba ako? Hindi. Kasi alam ko ung ang tama. Na kelangan natin magkaroin ng sari-sariling lakad ng di magkasama.
Nakakapagod. Nakakainis. Nakakalungkot.
Ganito na lang ba talaga tayo?
Paulit ulit. Paulit ulit.