Madaling araw na pero di pa rin ako makatulog. Ang daming bagay ang sumasagi sa aking isipan. Ayaw akong dalawin ng antok.
Bakit nga ba di ako mapakali? Bakit ba kahit anong posisyon gawin ko e parang walang epekto?
Bakit kahit paminsan minsan naiisip pa rin kita?
Bakit ayaw akong lubayan ng alaala ng nakaraan?
Bakit lagi pa rin kita naaalala sa maraming bagay?
Apat na taon. Hindi madaling kalimutan ang apat na taon. Pinilit kong makalimot. Sadyang mapaglaro ang isip. Kahit anong gawin ko, paminsan minsan pinapaalala pa rin nito.
Kamusta ka na? Sana OK ka.
Gusto ko lang naman ay maging masaya at malaya ka na.