Yan ang pamagat ng bagong kanta ni Beyonce. Astig. Girl Power! Ipinakita dito na kaya niyang makalimutan ang isang guy, ika nga "replaceable" sila (guys). Misleading ung pamagat kasi aakalain mo na di niya mapapalitan, un pala kaya niya.
Sa akin kaya, applicable to? Oo, alam ko, di ako girl. Ung sitwasyon ang ibig kong sabihin.
Madali nga banag palitan ang isang taong minahal mo ng todo?
Eto na naman ako, nagsusulat tungkol sa pagmamahal. Palibhasa, hopeless romantic kasi ako. Laging sawi kaya hanggang sulat at kwento lang.
Isang malaking irony ang LOVE. Magkahalong saya at lungkot, ngiti at simangot, tawa at iyak, sarap at sakit and nadarama. Bakit nga ba maraming nagmamahal kahit alam natin na masasaktan lang tayo? Bakit ang daming tao ang naniniwala sa pag-ibig na ito lagi ang topic ng isang kanta o pelikula? Bakit ang daming tao na may significant other (SO) pero ung iba naman ni isa wala?
Pagnamamahal tayo, binibigay natin ang lahat. Hanggang darating sa punto na wala ng natira para sa sarili. Nagiging bulag tayo sa katotohanan na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente, na lahat na bagay ay may wakas. Oo, bitter ako pakinggan pero may sense di ba? Pagmahal mo ang isang tao, nabubulag tayo sa iba niyang kataingian. Ika nga sa ingles "You see through his faults.".
Marami sa atin ang "Go lang ng Go! Walang panahon!" pagnagmahal. Tapos pagnasaktan, ayaw na kunwari pero pag may bago, go ulit. Labo. Oo, nagiging tanga tayo pag in-love, not to mention super corny and cheesy. Pag in-love, feeling natin inspired tayo with matching cupids flying around us. Ung feeling mo kaya mo ang lahat.
Pag nabigo ka sa pag-ibig, naglalabasan na lahat ng katangahan. Anjan ang I-cried-myself-to-sleep na drama. Before matulog iyak. paggising iyak ulet, pagligo iyak na naman with matching hagulgol ang tulo ng sipon. OA ha. Kadiri pero totoo.
Shopping, ito ang favorite pastime ng marami. Sukat dito, bili doon. Pagkatapos, saka mu na lang maiisip na naglaho parang bula ang pera mo.
Inuman. Non-stop inuman session with the barkada. Tagay then toast sabay sigaw ng "For the wound that never heals!!". Bottoms up! Lasing na, ilalabas na ang mga hinanakit. Iiyak na naman kasama ang iba pang lasing na mga kasama.
Magpapakabitter. Uso yan. Daig pa ang isang kilong amplaya sa kapaitan. Ibang level ang pagka nega sa pag-ibig. Mahilig sa mga sawi stuff, ung mga nakakaiyak. Minsan naman nagiging galit sa mundo. Kunyari ayaw na, pero pag meron ulit, sige na nga ang drama.
Ewan ko. Ang labo talaga ng tao. Alam na masasaktan, siga pa rin. Di na nadala.
Kaya ako, eto, ampalaya pa rin.
No comments:
Post a Comment