Tuesday, August 7, 2007

One Tae IBM Day

August 6, 2006

Dapat holiday ko today kasi holiday sa Canada. But no, nasa office ako at nagpapaka dakila kasi ang dami kong trabaho. Ang catch? Di nag wwork mga access ko. Meaning wala akong magagawang trabaho.

Syempre, may I email myself naman daw ako sa IT ng 9am hoping na maresolve agad. Ayan, magllunch na ako, wala pa ring reply. At ngayon, 4 na, uuwi na ako ng 5, wala pa ring reply. Nakaka apat na akong email today, kulang na lang lagyan ko ng flame para ma sense nila ang pagkairita ko. Leche.

Naturingan pa naman 'tong IBM, pero bulok. Nagsayang lang ako ng araw. Di naman sa nagrereklamo ako na binabayaran ako para mag multiply, friendster etc buong araw pero, nakakairita lang talaga.

Ung internet, mabagal. Sabi ng 100mbps daw pero ang bagal mag download ng songs. Hahahaha! I know, pasaway ako. Ung mga video sa Multiply, ayaw mag play. Ung songs, pag dinownlaod, putol. Ung mga photoalbums, 10,000 years bago ko ma view. Wala na nga akong magawang trabaho, pati ba naman pag ssurf ko ng net na sabotage ba? Rar!

Actually, masaya naman buahy ko dito. Unlike other companies, dito walang bawal na sites (ata...). Minsan, nagsasawa na ako sa usual sites kaya naghahanap na ako ng iba (alam niyo na un.). Oo, nagbubukas din. Masaya ang upuan (window seat) ko dahil may view ng Eastwood, o di ba sosyal. At higit sa lahat, walang makakakita kung anong sites pinupuntahan ko kasi walang tao sa likod ko kundi glass lang. hehehe.

Ayun, matatapos na araw ko, wala pa rin akong achievement. Wala akong nagawang trabaho. Goodluck sa akin sa mga susunod na araw. Malamang detached ako sa mundo ng mahabang panahon. So little time so much to do sabi nga ng Arkarna.

Lumuluha pa ang kalangitan. Ewan ko na lang kung di pa mapunan ang kawalan ng tubig ha. Ang lamig. Gusto ko mag kape kaso di na pwede, dukha na ako e. Ang layo pa ng sweldo at wala na akong pera. Good luck sa pagkain ng lupa at damong ligaw.

Magtitipid na ako. Swear.

Uwi na ako. Wala na akong ma-aachieve dito. Punyetang IT.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin