Tuesday, September 25, 2007

Aray

Well, last blog entry ko sa multiply ay naging forum at nakakaloka siya. Buti na lang wala pa akong death threats.

Akala ko masaya ang simula ng week ko. Ok na sana eh. Isang text lang ang sisira sa araw, at malamang buong linggo ko.

Akala ko OK tayo. Un pala hindi. Oo nga pala, nakalimutan ko di ka pa pala over.

Oh well, malas ko nga lang naman talaga.

I can't compete with your past.


Ayoko na magpakatanga. Sawa na ako sa ganun na set-up.

Bahala ka na mag-isip. Papabayaan na kita.

Para akong sira, di makapagisip ng matino, di makapagtrabaho ng maayos at nalulunod sa mga lecheng love songs na to.

Inom lang katapat nito. Sa mga bet maglasing, isama nyo ako sa pagtupad ng mga pangarap nyo.

And for that, retail therapy ang pinakamabisang lunas.

May magandang jacket at cardigan sa F&H.

Wala pa akong ganun.

May rason na ako para bilhin un.

Kebs sa utang.

Sasaya naman ako.

Sure ako.

Friday, September 21, 2007

Just fooling around?



Honesty through Sports.

This photo was taken during the UAAP Opening. It was the first game of UP vs DLSU and NU vs FEU for the second game. The UST Salinggawi Dance Troupe performed during the opening ceremonies as host university. Unfortunately, aside from the opening production number they still managed to do this unlikely behavior. Look at these 5 UST Salinggawi Members, so unbecoming of a Catholic school student.I think they better review what they were taught because it seems like they don't practice what they preach.

It seems like that these 5 guys want to be famous? Well, let us help them become INFAMOUS!!! I just hope you are happy of your notoriety...Should I say good work guys? Kudos for being a big shame to your school.

Clap! Clap! Clap!

Thursday, September 20, 2007

Friday, September 14, 2007

Tanong

Super aga kong nagising kasi kailangan nasa office na ako by 8AM. Lecheng traffic sa Katipunan at wala akong mahanap na cab. So nag Casaa na lang ako para mag breakfast kasi nagdidilim na paningin ko dahil sa gutom at inis. After kumain, nakahanap din ng taxi at late ako sa conference call ko ng 8am. OK lang, wala ako ako masyadong relevance dun. Nag drawing nga lang ako ng wedding gown with matching beadwork affaxis. Yuh, so gay pero ewan, un naisip ko. Weird.

Ang dami kong kailangan gawin pero di ko alam kung san magsisimula. Good news, may sweldo na pero alam ko wala na akong karapatan gumastos. Lahat nun, mapupunta sa mga credit card bills ko. Ang saklap, pero ok lang. Basta, motto ko ay "OK lang walang pera basta masaya, maganda at mukhang mayaman.". At least alam ko kung san napunta pera ko.

Senti mode ako. Di ko alam kung bakit pero puro malulungkot ang pinapakinggan ko na songs. Ewan, umiiral na naman ata ang charantia/ampalaya syndrome ko. Oo, bitter talaga ako. Always have been, pero wag naman sanang will always be pa.

Tanong: Magkakagusto ka ba sa isang tao kahit di mo siya na mimeet in person? Ung tipong nakaka text at nakakausap lang sa telepono.

Sabog lang siguro talaga ako kaya naiisip ko to. Dala ba to ng stress at kawalan ng sapat na tulog? Ewan.

Sunday, September 2, 2007

Flat Broke but Happy

Well, obviously after 6 days in Singapore and 1 day in Indonesia, exag na ang paglalakad ko.

May bago na akong hobby - Walking around Singpore....with my credit cards. *wink*

Aside sa kalyo ko sa paa at mukhang umitim na ako, nasa State of Bankruptcy na ako.

Wala na akong pera. Mahal lahat dito. Potah! Mineral water 60 pesos. Leche.

Bahala na si Batman sa bills ko paguwi.

Literal na talaga na kakain ako ng lupa at damong ligaw. Di lang ilang linggo kundi buwan ang bibilangin ko.

Syet.

More shopping, less fats.

Yan motto ko. Bawal na kumain. At least papayat ako at may bago pa akong mga damit.

Psycho pero may point.

May 5 days pa ako dito. Haggard.

OK lang. Minsan lang to.

Masaya naman ako eh.

Hehehehehe

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin