Super aga kong nagising kasi kailangan nasa office na ako by 8AM. Lecheng traffic sa Katipunan at wala akong mahanap na cab. So nag Casaa na lang ako para mag breakfast kasi nagdidilim na paningin ko dahil sa gutom at inis. After kumain, nakahanap din ng taxi at late ako sa conference call ko ng 8am. OK lang, wala ako ako masyadong relevance dun. Nag drawing nga lang ako ng wedding gown with matching beadwork affaxis. Yuh, so gay pero ewan, un naisip ko. Weird.
Ang dami kong kailangan gawin pero di ko alam kung san magsisimula. Good news, may sweldo na pero alam ko wala na akong karapatan gumastos. Lahat nun, mapupunta sa mga credit card bills ko. Ang saklap, pero ok lang. Basta, motto ko ay "OK lang walang pera basta masaya, maganda at mukhang mayaman.". At least alam ko kung san napunta pera ko.
Senti mode ako. Di ko alam kung bakit pero puro malulungkot ang pinapakinggan ko na songs. Ewan, umiiral na naman ata ang charantia/ampalaya syndrome ko. Oo, bitter talaga ako. Always have been, pero wag naman sanang will always be pa.
Tanong: Magkakagusto ka ba sa isang tao kahit di mo siya na mimeet in person? Ung tipong nakaka text at nakakausap lang sa telepono.
Sabog lang siguro talaga ako kaya naiisip ko to. Dala ba to ng stress at kawalan ng sapat na tulog? Ewan.
No comments:
Post a Comment