Wednesday, November 28, 2007

Lindol

Nakakaloka. Ramdam na ramdam namin ang pagyanig sa 18th floor. Akala ko, nasasabaw lang ako at gumagalaw na ang paligid ko. But no, totoong lindol pala. Akala ko, masyado akong self-absorbed sa pag figure out kung paano nag wwork ang Facebook (na kumakain ng tanga). Totoong lindol pala talaga.

Hulaan nyo ang song na tumutugtog sa Zen ko, Viva Forever ng Spice Girls from the Spiceworld album. Coincidence? Haha! Malay. Sobrang nakakatawa. Di ko naman naisip na mamamatay na ako. hehehhe. Di pa pwede magwork ang mantra ko na "Live fast, die pretty.". Utang na loob naman. Ang dami ko pang di nagagawa sa buhay ko. Lord, wag muna ha? Fish tayo...hehehe

Syempre, may announcement sa PA system namin. At ang boses ng nagsasalita, nakakatawa. Ung tipong di mo seseryosohin ung sinasabi niya. Hahaha! Sabi niya:

" We just experienced an earthquake tremor. Please stay calm. Do not FANIC."

Eh haller, mukhang si Kuya announcer ang nag fafanic. Hahaha!

At may narinig akong chismis na may fire drill daw dito sa Eastwood ng 2pm. Surprise ito. Anytime this week daw kasi ung drill. Buti chismosa ako. Kaya, bababa na ako ng 1:30 dahil wala sa plano ko ang maglakad ng Labing walong palapag pababa ng naka leather shoes. Hehehe. Kaya mag kakape na lang muna for more aura moments at punta na lang sa assembly area para kunwari sumali. hehehe. Oo, pasaway ako. Bakit ba? Walang pakialamanan.

Choosy ako eh. And choice ko ang wag mapagod. Hekhekhek...

Ok, di na ako nag fafanic. Vack to work na muna. Hahaha!

Thursday, November 22, 2007

Papel


6:15 pa lang ng umaga, umalis na ako ng bahay kasi coding at para abutan ang free parking. Sa awa ng Diyos, walang traffic at umabot kami sa libreng parking. Tambak ako sa trabaho. As in. Pero OK lang, kaya ko to.

By 3pm, sinimulan ko na ayusin ang mga pamana ng predecessors ko - Sandamakmak na papel na nakakalat sa kawalan. Nakakaloka. Swear. At ang kelangan ko gawin? Ang i-sort sila by date, ilagay sa mga binders. Take note: Puncher to death ng mga papel at ilagay sa iba ibang binders with matching lagay ng labels. Leche.

Sinusumpa ko ang P*ki ng Inang ISO certification eklavu na yan. Gusto kong murahin kung sino man ang may pakana ng lahat ng ito. P*kyu Dobol, Tripol times ten to the nth power, to infinity and beyond (parang Buzz lightyear lang sa toy story).

Haggard ang mag file at mg punch ng Papel. As in. Feeling ko inapi ako. Kaloka. Stress ito. Mas na ngarag pa ako sa pag file ng papel kesa sa trabaho ko. Hahay. Napa work out ang mga braso ko sa pagbubuhat at pag punch. Grrrr.I was so not cut out for this! (maarte conyo girl tono). Hehe. Chos.

Shit ka to the earth mader paker. Sh*t, deep sh*t, bullsh*t, assh*le! Imbey.

Fine. Oo na, babalik na ako sa pag ffile. 12 hrs ako dito at di ako binabayaran ng OT pay ha. Alam ko naiisip nyo, mahirap companya ko. hehehe...

Anyway, syet. Haharapin ko na sila.

Mga papel, asan kayo? Come to mama...

Fotah

Saturday, November 17, 2007

Movie: One More Chance


Syempre, walang panahon kaya pinanood ko sa unang araw na pinalabas ito. Ano ba masasabi ko? Maganda siya. Well, at least for me. In a way, naka relate ako sa mga issues nila. Di dahil nagkaron na ako ng relationship for 5 years kundi maraming tagpo sa pelikula ang nangyayari sa araw-araw na buhay.

I recommend this to everyone. Ewan, pero naging self-absorbed ako. Hahaha! Nakita ko sarili ko sa maraming charcters ng movie. Nakita ko sarili ko kay:

1. Popoy (John Lloyd Cruz) nung gusto pa niya bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Nahihirapan siya sa mga nangyayari pero go pa rin, life has to go on. Ayun, bumangon siya at nakahanap ng bago. In the end, kinailangan din niya hanapin ang sarili niya para maging handa na mahalin ulit si Bash.

"She loved me at my WORST. You had me at my BEST, yet you CHOSE to BREAK my HEART..." Aray....

2. Trish (Maja Salvador) nung malamn niyang mahal pa ni Popoy si Bash kahit naging sila na. Aray. Mega effort naman siya but in the end, mahirap pa rin makipag compete sa nakaraan. Ano ba ang laban ng months sa years di ba?

"Ipikit mo mga mata mo para di mo ako makitang nasasaktan ako."

3. Bash (Bea Alonzo) nung hinanap niya sarili niya. Nagpagupit siya (nagawa ko na) at nag resign sa trabaho (wala pa akong plano). Nagsimula ng panibagong buhay at binuksan ang sarili para sa iba't-ibang pwedeng mangyari sa buhay. Naka relate din ako nung pinipilit niyang ipakita na OK lang siya pero deep inside sobrang nasasaktan na siya at mahal pa niya si Popoy. Mahirap naman talaga kalimutan ang taong minahal mo ng matagl na panahon, divine?

"Sana ako na lng, ako na lng ulit."

4. Mark (Derek Ramsay) Naging mabuti siyang kaibigan kay Bash. NAtuwa ako sa sinabi niya something like

"Sometimes, its better for 2 people to BREAK UP so they can GROW UP. Coz it takes grown ups to make a relationship work."

Basta, parang ganun ang thought.

Panoorin nyo. In fainess, napaluha at napatawa ako ng pelikulang to. Benta ung mga hirit ni Janus Del Prado. Nakakatuwa ung barkada nila. Basta, makakarelate kayo.

Basta, natutunan ko sa pelikula ay: Dapat magpaganda, magpayaman at ayusin ang buhay pagkatapos makipag break. Para pag nakita ka ng ex mo, marerealize niya na ang tanga niya para pakawalan ka. Hehehe.

Gusto ko pa panoorin ulit. Samahan nyo ako. Hehehe.

Friday, November 9, 2007

Kahapon, Ngayon at Bukas

Ika-11 ng Mayo taong 2001 nung una akong mapapadpad sa Maynila. Magisa ko lang tinawid ang dagat at mga isla sa pagitan ng aming probinsya at Maynila. Magakahalong kaba at tuwa ang naramdaman ko nung mga panahong iyon. Syempre, unang beses to na mamumuhay ako mag-isa at malayo sa pamilya.

Pag daong ng barko sa pier, isa ako sa mga huling bumama kasi wala pa ang sundo ko. Sundo. Pinsan ko siya pero kahit minsan, di ko pa siya nakikilala. Oo, as in first time namin magkita nung araw na un. Nung nagkita na kami, ayun, kwentuhan at tawanan. O di ba, close na kami. Nung unang gabi ko umiiyak ako. Oo no, di naman ako bato. Syempre magisa ko na lang sa malayong lugar at walang alam kung ano ang mangyayari sa akin.

Kinabukasan, registration ko sa UP. Excited ako dahil at last mapupuntahan ko na ang aking magiging pangalawang tirahan. Nalula ako sa laki ng UP. May sinehan, grocery, parlor, hotel, mga simbahan ng iba't ibang relihiyon, sandamakmak na gusali, malawak na kapatagan at squatter's area. Kaloka.

Nung bagong salta ako, di ako nagtatagalog. Oo na, conyotic na ako ika nga. Marunong ako managalog kasi nung 5 taong gulang pa lang ako ay tagalog ako pero naging bisaya na. Naisip ko dati baka mabugbog ako sa UP pag naging inglisero ako. Kung sa Ateneo kasi tanggap, eh sa UP kaya? Ewan. Pagkalipas ng isang buwan, ayun, kumportable na akong mag tagalog. Kaya OK na.

Pasukan na. Ginapang ko ang Math 17. Buti naman pumasa ako. Ang tayog pa ng pangarap ko dati, ang magtapos bilang cum laude at mag CS o US bawat semestre. Ambisyosa. Marami akong naging bagong kaibigan sa aking bagong mundong ginagalawan. Masyadong bago. Nabuksan ang aking mga mata dala ng iba't ibang karanasan ko sa UP. Binago ako ng UP

Natuto akong maging responsable at mamuhay ng walang inaasahan kundi ang sarili. Marami akong naging kaibigan. Epal ako eh, kaya naging blockhead, socio-cultural committee head at freshman batch representative. Bago pa lang, bibo kid na ang drama.

Sa Kalay, namulat ako sa maraming bagay. Nung una nagulat ako at nalito. Pero nung tumagal na, natanggap ko na rin. Sabi nga nila, kailangan mo munang tanggapin ang sarili mo bago ka matanggap ng iba.

Mataba ako nun. Nung nakita ko ang UP Pep Squad, nasabi ko sa sarili ko na gusto ko sumali pero wala akong alam at ang taba ko. Ilusyonanda talaga ako. Pero nagpapayat ako at nag train nung 2nd 2nd sem ko. Wala akong alam. As in WALA. Kahit split di ko kaya. Nagsikap ako, syempre nakakahiya sa mga kasama ko di ba?

Unti unting nagbago ang mundo ko. Sa araw, estudyante, sa gabi mananayaw. Mahirap pero kelangan kong gawin. Gusto ko eh. Masaya ako at mahal ko ang ginagawa ko. Di bale masaktan at mapagod basta magawa ko lang. Nakakapressure kasi ung iba kaong kasama magagaling na talaga.

Simple lang ang pangarap ko, ang makapagsayaw sa Araneta. Pinalad akong mapasama sa mga magsasayaw sa unang laro ng UP noong 2003. Inaapoy pa ako ng lagnat nun. Pero sabi ko kay Coach Lala, fight pa rin. Haller, nasa palad ko na ang pagtupad ng aking munting pangarap. Ang laki ng Araneta. Kitang kita ko ang libu-libong tao na nanonood. This is it. Katuparan na ng mga pangarap ko. Nung matapos kaming magsayaw, di man lang ako pinagpawisan kasi nga may sakit ako. Ang saya. Kumpleto na ako.

Next goal, magkaron ng Varsity jacket. Nakaka inggit kasi ung seniors, meron sila. Sa awa ng Diyos, may pera pa ang UP nun at isa ako sa huling batch ng mga atleta na nabiyayaan ng Varsity jacket. Masaya ako.

Ang rurok, UAAP Cheerdance competition. Ambisyosa talaga ako. Libre eh, bakit ba. 2 taon akong naghintay bago makapagsayaw sa paligsahan. Naisip ko na ngang tumigil pero di ko kaya. Parte na ng buhay ko ang Pep.

Parang droga ang Pep, nakakaadik.

Nabuhayan ako ng loob nung maraming kaibigan ko ang ngumarag saken na mag ayos. Salamat kay Coach Jon at Coach Lala dahil binigyan nila ako ng pagkakataon. 2005 ang una at huling cheering competition ko. Kasabay pa un ng thesis ko. Ngaragan. Pero kinaya ko. Gusto ko eh. Kailangan ko patunayan sa sarili ko na kaya ko.

Oct 2005. Sa wakas, natapos ko ang kursong BS Business Administration. O di ba, bongga. Wala ngang naniniwalang tiga BA ako eh. Akala nila CHK or Masscom. Baka dahil mukha akong di marunong magbilang ng pera at walang alam sa pagiging isang kapitalista. Wala kasi ako lagi sa BA. Pupunta lang ako kung may pasok, meeting at exam. Taong gym at dorm kasi ako.

Makalipas ang 2 taon, isa na akong ganap na miyembro ng labor force. Tanaw ko mula sa aking bintana ng opisina ko ang mga gusali, kotse, tao at ang view ng Quezon City. Ang gandang pagmasdan. Sino bang magaakala na balang araw magiging ganito ako?

Masaya ang magtrabaho kasi may pera ka at nabibili mo ang gusto mo. Pero nakakamiss din ang maging estudyante. Hahay, tao talaga, di makuntento. Nung nag aaral pa, gusto mag trabaho pero ngayon na may trabaho na gusto naman mag-aral. Labo.

Pero bakit ang tingin ng karamihan sa probinsya, porket nasa Maynila ka mayaman ka? Na pag nakapagtapos ka sa UP ay may magandang trabaho ka na may malaking sweldo? Di ba nila naiisip na mahal mamuhay sa Maynila? Na hindi madaling kumita ng pera?

Obligasyon ng magulang na ihanda ang mga anak nila na matutong mamuhay sa hinaharap. Ang mamuhay ng matiwasay at masaya. Sa hinaharap, obligasyon din ba ng anak ang magulang niya? Oo magiging sagot ng karamihan sa atin. Sa kulturang Pinoy kasi, bubuhayin ng magulang ang anak at pagdating nga panahon, anak naman ang bubuhay sa magulang.

Naalala ko lang ang natutunan ko nung nasa kolehiyo pa ako. Return of Investment or ROI in short. Parents invest in their children so that in the future, they will benefit from them. Kaloka. Parang naglagak ka lang ng pera sa negosyo at walang kasiguraduhan na lalago o malulugi ang puhunan mo.

Oo, may trabaho ako at kumikita ako. Pero di ibig sabihin nun ay mayaman at marami akong pera. Marunong lang akong mag budget kung ano man ang meron ako. Di ko pinipitas na animoy bulaklak sa hardin ang pera, pinaghihirapan ko.

Sabihin nyo nang masama akong anak o inggrata ako dahil hindi ako nakakapagbigay sa bahay. Opinyon nyo yan. Pero sana naiisip nyo rin na namumuhay akong magisa dito at may mga gastos din ako. Marami kayo jan, bat di ninyo magawan ng paraan? Sa pagkakaalala ko, lagi na lang ganyan ang sitwasyon. Laging may problema sa pera. Di na ba talaga kayo natuto sa nakaraan? Wala na nga ako jan, ganun pa rin ang nangyayari.

Oo, magastos ako. Alam ko un. Pera ko to at pinaghirapan ko to kaya may karapatan akong gastusin to sa paraan na sa tingin ko ay nararapat. Madamot ba? Sa tingin ko, hindi.

Paumanhin kung sa tingin ko ay pinagdadamutan ko kayo. Sana maisip ninyo na may sarili din akong buhay. Gusto ko lang matuto kayong gumawa ng paraan. Ang dami ninyo jan na kayang magisip ng paraan. Lahat tayo may kanya kanyang obligasyon at babayarin. Pare-pareho tayong naghihirap. May limang daan ako dito, para sa dalawang linggo na to. Gusto mo? Kamusta naman ang pagkain ng lupa at damong ligaw?

Ang dami kong iniisip. Kakalimutan ko na to. Bukas ay bagong araw. Panibagong hamon ng buhay. Isa pang pagkakataon para baguhin ang sarili.

Binago ako ng UP. Binago ako ng Maynila.

Saturday, November 3, 2007

BAKIT "SINGLE" ANG STATUS MO

Got this from Friendster , I think..hehehe

TOP 11 na rason kung bakit single ang status...

*11. Destiny Adik*
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para
pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life".. ayannn...
kakapanood nyo ng "Serendipity" eh feeling nyo ang nangyari sa movie eh
mangyayari rin sa inyo... such a cliche.. hindi ba nyo alam na kung
walang effort destiny is useless.


*10. Perfectionist/ Mapili*
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong "dapat ganito ang magiging
kapartner ko". Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may
dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait,
boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka
"bakit ang sama mo", "bakit mo nagawa yun!"... Adik ka ba?!... Ayaw sa
cute, ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung
gusto mo halos magtambling ka pero deadma pa rin yang stunts mO sa
kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?

*9. Busy Busyhan*
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung
estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka.
Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay
ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho
sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa
pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na
ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for a while
naman!

*8. Friendship Theory*
Ano naman ito?... Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay
special friend, na hindi masabi-sabi sa friendship nya sa loob ng
kanilang mahabang panahon na pagsasama, dahil baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si
friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag
pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA ! Oi! Lakasan mo ang
loob mo at baka mamaya forever mong pagsisihan yan, kaw rin!... Minsan
pa naman pareho pala kayong naghihintayan. . hmmp!

*7. Born-to-be-one (Autistic)*
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta
lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamamatay sya sa
mundong mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang... Asa kang
tatanggapin ka pa noh!

*6. Happy-go-lucky*
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino na
lang basta no strings attached. For fun lang daw... Walang halong
seryosohan. ABA hoy! Yang init ng katawan mo e ikiskis mo na lang sa
pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

*5. Wrong Place*
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung
ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap.
Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e
yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong
bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo
kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka
nila ng patiwarik.

*4. Wrong Time*
Eto yung mga tao na sinasabi na "hindi pa ako ready e, bata pa kasi ako"
o kaya naman "hindi pa ako handa sa panahong ito", "wala pa ako kayang
ipagmalaki". Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang
panahon para sa love. Awwwwwww!... Aba kelan yun?!... Pag uugod-ugod ka
na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang-out of time ka na?
Oist, sugod lang ng sugod!

*3. Si Parents kasi...*
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader
o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna
raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa
sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo.
Aba ikaw na nga ba ang sabihan na "Alam mo hindi kayo bagay. Langit at
lupa kayo." Awwwww!... Payo ko sayo, "Pakialam nila diba?... Palibhasa inggit!"

* 2. Traumatic Experience*
Eto kalimitan ang reason ng marami. "Ayaw kona!!! Takot na ako mangyari
pa ang nangyari dati!"... O diba, ang drama ng layp?... Yes, tama ka.
Eto yung dahil sa past relationship mo, e until now aayaw mo nang
magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa
mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil
binugbog ka!, anopa ba?... Madami yan wag na nating isa-isahin at baka
tumulo si tears, heheh... Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at
hijo... Ibat-iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may
matamis at may maasim. Aba , mapalad ka at natikman mo ang ibat-ibang
lasa nito! Kaya ikaw, "Do not be afraid to fall in love again... malay
mo, sweetiness na ang malasahan mo next time.! E di panalo ka sa lotto!
Yan ang nagpapalakas sayo... Yan ang bumubuhay sayo... ang pag-ibig.
Tsk! Drama!

*1. EX to the Nth power*
Oi, aminin!!! LOVE pa rin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May
ganito naman. Yung tipong ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin
makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at
lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang
kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyo ng magpaalam sa
isa't-isa... YES, after a year sasabihin natin, "I'm over him/her na.",
pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship
from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At
habang nagkukwento ka, OUCH! may kirot, o kaya may ngiti at may
bumabagabag sa iyong kalooban. Ano kaya yun?!... AMININ mo na kasi,
MAHAL mo pa si EX...Isa lang ang masasabi ko, well, mahirap sya kalimutan alam
ko yan, pero open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain
someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give urself a KITKAT, take a
break.

Saan kaya tayo dito?.......

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin