Pagkatapos ng isang taon, ayan, nagbago na title ko, Business Controls Specialist. O di ba, ang taray. Kadiri, ang seryos ng dating. Ang trabaho ko? Maghanap ng mali ng ibang tao. haha! Resibo pa rin ang kaharap ko at mali ng 2 tao ang hinahanap ko. Report dito, meeting doon. Wa challenge. Swear.
Sabi ng IBS, marami daw pagkakataon kasi lumalago ang industriya. Edi go ako sa pag-aapply ng ibang work sa loob. Wala akong nahanap. Ok lang. Di talaga ata para sa akin. Kaya go lang ako sa trabaho ko. Pero habang tumatagal, lalo kong napagtatanto na hindi ito ang buhay na gusto ko. Nakakabagot at hindi masaya ang buong araw na nakaupo habang hinihipan ka ng malamig na aircon. Freezer ang drama ng opisina namin.
Sabi nga nila, binabayaran ako para mag internet. Well, pwede na rin kasi ba naman buong araw akong online sa ym, multiply atbp. Ok din sa IBS kasi nakakapag leave ako ng bonggang bongga. Kaya nakakasama ako sa mga lakad at concert ng Pep. Nakapag ibang bansa pa ako ng 12 days at bayad un lahat. Winner di ba? Ok naman ang benefits at working environment. Masaya kasama ang mga tao(konti lang kasi gurang) at malawak ang sarili mong desk. Naka LCD monitor at may sariling phone line with caller id. Check talaga.
Pero bakit ko gusto umalis? Hindi ko na nakikita ang kabuluhan ng ginagawa ko. Di na nakaka challenge at nakakabobo na siya. Swear. Pumutok man s*so ni Mika. Di bagay personality ko sa ganitong trabaho. Kelangan ko ng mas dynamic, ung may nakakasalamuha akong tao, ung nakikita ko ang tangible output ng aking trabaho, ung masaya ako sa ginagawa ko kahit toxic na.
Apply dito, interview doon. Gusto ko mag advertising agency or sa fashion retail. Bakla kasi. Gusto ko ung gagamitin ko lang ang aking kapangyarihan bilang diwata at voila! winner ang gawa ko. Gusto ko ung nakikita ko na may magandang naiduduloty ang trabaho ko sa ibang tao. Kaya, sabi ko, magreresign ako pagkatapos ko makuha ang bonus, may kapalit mang trabaho o wala.
Goodluck sa mga credit card ko. Nakikinita ko na na maghihirap ako pag wala akong nakitang kapalit na trabaho. Mangyayari na ung kinakatakutan kong kakain ng lupa at damong ligaw, papalaysin sa bahay at magpapalaboy sa Sunken Garden mamumulot ng plastic bottles. Exag. hehehe. Etchos lang.
Talagang mabait si Lord, nakahanap rin. Sa tingin nyo, ano pipiliin ko?
Section Manager sa Zara?

o Business Controls Specialist sa IBS?

Haller!?! Pinagiisipan pa ba yan. Zara na noh.
Nag file na ako ng resignation kahapon. Syet, feeling ko bilanggo akong nabigyan ng parole. Lalaya na ako. Malaya na ako.
Feeling ko nanalo ako sa Miss Universe, Project Runway, American Idol.
Mas kabog ang America's Next Top Model. Un na lang.
This is it. Pancit.
No comments:
Post a Comment