Monday, September 21, 2009

Movie: In My Life


Noong Sabado, as usual nasa mall na naman ako. At dahil super wala akong magawa, pinanood ko na syempre ung In My Life nina Vilma Santos, Luis Manzano at John Lloyd Cruz.

Inexpect ko na talaga na nakakaiyak ito at madrama. Bago ang lahat ng kadramahan, pinatawa muna ako ng bonggang bongga. Super natawa ako dun sa scene kung saan umuwi si Vilma/Shirley sa bahay na naka cornrows na ung buhok. In fairness kay Vilma, ang galing niya talaga umarte. As in consistent hanggang sa dulo. Nagustuhan ko ung pagpapatawa niya na hindi masyadong pinipilit. Naiyak ako sa mga hinanakit niya sa buhay.

Si Luis Manzano aka Mark ay gumaling din. Well, di sing galing nina Ate V at Lloydie pero nakipagsabayan naman siya. Naiyak ako nung scene kung saan nasa park sila ni Ate V at sinasabi niyang disappointment siya. Bakla, trailer pa lang naiyak na ako. Malamang nung movie mega iya lola mo. Medjo nakakagulat lang talaga ung pagkamatay niya. Harshness at nakakaloka. Di ko kasi iniexpect.

Si Lloydie ay winner! Intense ung acting nila ni Ate V nung burol scene. Naloka ako sa sampalan pero grabe! As in grabe ing emotions! Nadala talaga ako at naiyak like crazy. Nakakaawa din siya nung sinsabihan siyang uto-uto ni Shirley. ang dami nga nilang moments eh. Nakakaawa din siya nung umiiyak siya sa harap ng PC. Basta, grabe. Kahit ngayon napapaluha pa rin ako.

Ang daming memorable scenes sa pelikulang to. Ito ung tipong papatawin ka niya tapos bigla kang paiiyakin ng walang pasabi. Traydor! Ang daming aral na mapupulot. Ang galing na hindi sila masyadong nag focus sa relasyon ni Luis at Lloydie. Akala ko kasi ganun eh, kay Shirley/Vilma pala talaga. Natuwa ako sa kwento ng pelikula at hindi ako magdadalawang-isip na panoorin ulit. I'm sure iiyak na naman ako. Eh ung mega pigil ako kasi nakakahiya sa mga katabi ko. Baka akalain nila bakla ako. Haha!

Nakakatawa lang ung interior shots like ung apartment. Halatang hindi sa New York kinunan. Ung bahay nina Nikki Valdes din ay room lang sa Richmonde Hotel ata. Haha! Ung burol scene, sa labas parang old building. Tapos nung nagtatalo na sina Vilma at John Lloyd at background ang entrance, iba na. Haha!

Maliban sa mga continuity etchos, ok ung movie. Swear.

Panoorin ninyo. Matatawa at maiiyak kayo ng bonggang bongga.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin