Away-Bati
Yan ang lagi nating eksena. Feeling ko na immune na ako at inaasahan ko na un linggo linggo. Ano pa nga ba maiisip ko e sa away talaga nauuwi ang lahat. Minsan ikaw mali, minsan ako. Pero kahit sino nagsimula, pareho tayong may mali.
Nakakapagod. Nakakasawa. Paulit ulit na lang.
Di mo ba napapansin?
ganito na lang ba tayo?
Di na ba magbabago?
Di ba lilipas ang isang buwan na di tayo nagbabangayan at nagpapalitan ng masasakit na salita?
Masyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa ang mga 'to. Kung tutuusin, di naman dapat pinapalaki ang maliliit na bagay e.
Ewan. Di ko na alam gagawin ko.
Iaasa ko na lang ang lahat kay Batman.
No comments:
Post a Comment