Monday, December 17, 2012

Gulat

Ang bilis ng panahon. Matatapos na ang taong 2012 at sasalubungin na natin ang 2013. Kasabay ng pagpapalit ng taon ay dala ang pag-asang sana ng paparating na taon ay maging mas masagana at puno ng kasiyahan.

Disyembre. Nagliliwanag ang ibat ibang palamuti para sa celebrasyon ng pasko. Lahat ng tao ay abala sa kanilang pamimili ng regalo at sa pagsali si samut saring christmas parties. Balot ng ligaya ang paligid.

Bakit magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko?

Masaya ako dahil sa december 26, magiisang taong na tayong magkasama. Matapos ang lahat ng unos sa nakalipas na taon, nanagili tayong matatag at magkasama para umabot ng isang taon.

Isang taon. Mahaba na ito kung tutuusin. Ang ibang relasyon, linggo lang ang binibilang, swerte na kung umabot ng buwan. Masaya ako at hanggang ngayon kasama pa rin kita.

Paglisan. Sa kabila ng lahat ng tuwa at saya, di ko maalis sa isipan ko ang napipinto mong pagalis. Nagulat ako nung nalaman ko. Kampante kasi ako na kahit kelan, di tayo magkakahiwalay. Sa nakalipas na taon, mahaba na ang 2 linggo na di tayo nakakapagkita. Nagaaway pa nga tayo pag minsan kasi di nagkaka swak mga oras natin.

Paano ko sasanayin ang sarili ko na di na kita makikita tuwing sabado at linggo? Paano ko sasanayin ang sarili ko na umikot sa mall magisa ulit, kagaya ng nakagawian ko na buong buhay ko? Paano ako matutulog ng hindi ka kayakap?

Drama queen. Sorry,emotera talaga ako. Hindi ko kasi ini expect na aalis ka. Hindi ko alam paan ko tatawirin ang mga susunod na araw, linggo, buwan o taon na wala ka na sa tabi ko. Sin na papawi sa ins at lungkot ko kung ma problema ako o sa trabaho.

Isang taon kitang naging takbuhan, karamay, sandalan, katuwang, kasama, kakampi, kaaway, kapamilya. Paano ko sasanayin ang sarili ko na wala ka na dito?

Hindi kita pipigilan kasi alam ko maganda ang naghiintay sayo dun. Masaya ako kasi unti unti mo na matutupad ang mga pangarap mo. Masaya ako kasi sa wakas, mapagiipunan mo na ung bahay na gusto mong ipagawa sa mga magulang mo. Masaya ako kasi kahit papano, bahagi ako ng hinaharap mo. Na kasama ako sa nakikita mong kinabukasan.

Ngunit sa kabila ng tuwa ko, bakit nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na aalis ka na? Ayoko maging hadlang sa mga pangarap mo. Sana matiis ko ang lungkot na nasa malayo ka. Sana kaya ko na hanggang viber o skype lang kita makikita o makakausap. Sana kayanin ko na di mo ako mayakap sa aking pagtulog. Sana kayanin ko ang lungkot na magisa ulit ako,

Sana bumagal pa ang oras para mas matagal kitang makasama.

Sana masanay na ako kahit papano.

Sana hindi na ako umiyak sa bawat oras na nagiisa ako at naiisip kita.

Sana mawala ung lungkot na nararamdaman ko.

Sana kahit ngayon pasko at bagong taon, sumaya ako ng hindi naiisip ung pagalis mo.

Ang daming gusto kong mangyari.

Sana.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin