Friday, September 9, 2016

Sana

"Ayoko sana na ikaw ay mawawala, mawawasak lamang ang aking mundo."

Melodramatic. Emoterang palaka. May pinagdadaanan. Heart-broken. Naiwan. At iba pa. Maraming tawag sa mga taong sadyang madamdamin. Pero, ni minsan ba inisip natin kung bakit ganun sila?

"Hindi na ako aalis."

Tila dininig ng kalangitan at ng patron ng mga beki na si SanRio ang aking dasal. Parang pinaghalong indak ni Beyonce at birit ni Mariah ang tugtog sa saya ko. Di tayo magkakahiwalay at tuloy ang ligaya. Pero sa loob loob ko, hind ako kampante. Bakit? Kasi feeling ko, feeling ko lang naman, aalis ka pa rin. Pero syempre, benefit of the daw, sabi hindi. Edi hindi.

Dumaan ang mga mga linggo. Dating gawi, kitaan, rampa sa mall, nood ng sine at bahay-bahayan. Ang dami nating planong gawin. Anjan ang Manila Ocean Park, Avilon Zoo, Ilocos tour, Baguio, Boracay at Vietnam-Cambodia. Siksik liglig naguumapaw. Ang daming ganap.

Fast forward Biyernes ng umaga.

"Bukas na alis ko. 7AM."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masaya ako kasi nakuha mo ang gusto mong trabaho at sweldo. Malungkot ako kasi alam ko magkakalayo tayo. Bittersweet sabi nga nila. Anjan na yan. Wala na akong magagawa. Impake, last minute shopping, panic packing at very light na paalamanan. Ang bilis ng mga pangyayari. Daig pa ng pag anunsiyo ng top 15 ng Bb. Pilipinas ang peg. 4AM, nasa chararat na paliparan na tayo ng NAIA. Unang beses ko makapunta dun. Magulo, matao, maraming sasakyan. May mga pasaherong nagmamadaling makapasok, may ibang ayaw humiwalay sa mga kapamilyang naghatid, may mga dayuhang muryot na sa mahabang pila na animoy may feeding program ang health center.

Matapos ang pa sweet na yakap at very light na beso, pumasok ka na sa OFW lounge at tumakbo na ako pabalik ng kotse. Nung mga panahong iyon, ayoko maiyak. Kelangan ko maging matatag di lang para sa sarili ko kundi para din sa mga nasa paligid ko. I'm a survivor ang peg ala Destiny's Child circa early 2000. Bawal umiyak, saka na pag nasa bahay na.

Unang Sabado na wala ka sa tabi ko, wala akong ginawa kundi sumama sa mga kaibigan ko, uminom, maglasing para makalimot pansamantala. Graduate na ako sa ganitong eksena eh. Pero cge, ngayon lang, ma try nga ulit. Pilit kong inaliw ang sarili ko para makalimutan ang katotohanan. Ang katotohanan na wala ka na sa tabi ko pag kailangan kita. Na di na kita basta bastang matawagan kasi nasa malayo ka at mahal tumawag. Na wala nang yayakap sa akin pag feeling ko na pasan ko ang daigdig. Na wala na tutulong sakin buhatin ang mga pinamili ko sa grocery. Na wala nang tatayong tiga suway at tiga palakpak sa akin. Na wala na ang iisang taong nagbigay ng saya sa buhay ko ng mahigit sa isang taong pagsasama.

"Sino ba naman ako para pigilan ka?"

Matayog ang mga pangarap mo. Batid ko yun. Lagi mo nakukwento sa aking ang plano mo para sa sarili mo, sa pamilya mo. Hanga ako sa pagpupursige mo para matad ang mga pangarap mo sa buhay. Sa dami ng plano mo para sa sarili mo at pamilya mo, minsan naisip ko rin kung nasaan ako sa mga plano na un? Matapos ba ng pagpapaayos mo ng bahay ninyo ay dun na ba ako eeksena? Matapos bang tumaas ang posisyon mo sa trabaho ay dun ako papasok? Saang parte ba ng buhay mo ako lulugar?

Masakit isipin na hindi ko alam. Siguro di mo lang sinasabi kung ano ba talaga. O baka naman masyado lang akong mainipin. Tapos na kasi ako sa mga walang kasiguruhan. Mahirap, masakit, nakaka praning. Natatakot ako na balanag araw, sa nais mong maabot ang mga pangarap mo ay makalimutan mo ako. Na mawala na ako ng tuluyan sa buhay mo.

Papansin. Matapos nung lasingan portion ko, akala ko OK na ako. Mali. Kasi sa ilang araw pa lang ay biglang bumulaga ang malaking sekreto. Di pala ganun kalapit ang kailangan kong liparin para makita ka. Feeling ko naloko ako. Ano ang sekreto ang kailangan kong malaman para maging kampante ako?ilang lihim pa ang kailangan mabunyag para maihanda ko sarli ko sa mga susunod na mangyayari?

Sakit. Galit. Lungkot. Halo halong emosyon ang kasalukuyang nararamdaman ko. Hindi ko alam kng bakit nagkaganito ang lahat. Kung naging tapat ka lang nung una mas OK pa. Oo tutol ako sa una, pero alam ko sa sarili ko na di ko kayang pigilan ka tuparin ang mga pangarap mo. Magiging makasarili ako kung gagawin ko un. Hindi tama. Ayoko balanag araw isumbat mo sa aking yun. Di ko kakayanin.

Cheerleader. Yan ang papel ko sa buhay mo. Susuportahan kita sa mga gagawin mo. Di man ako sangayon sa lahat, pero alam ko, bilang kapareha mo, kelangan ko gawin. Hindi sa hindi kita naiiintindihan. Gets ko. Di naman ako tanga. Ang akin lang ay sana naging honest ka nung una pa lang. Baka pagnagkataon, mas madali kong natanggap ang mga bagay bagay.

Sana OK ka sa kung nasaan ka man. Sana masaya ka sa naging choice mo. Sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo. At sana, balang araw pagnagkita tayo, walang magbabago.

Sana.

Sana.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin