Dahil nung Lunes ay strike, Cedula lang ang na-achieve ko. Nung Tuesday, super aga kong umattack sa Par Square para mag pa renew ng NBI clearance.Mga 9am ako dumating at fatal na ang pila. Nakakaloka. At hindi pa bukas ung kiosk. Sa awa ng Diyos, 11am natapos rin ako. Nag lunch ako sa Chowking at super mega over tagal ang Shanghai Lauriat. Nangaling pa ata ng China kaya super tagal ko nag antay. Muntik ko na bulaan ung manager. Buti masaya ako kahapon.
Around 1pm, walakathon papauntang Salcedo St for my medical chever. In fairness, nahanp ko agad. Buti na lang magaling ako sa directions at marunong akong magbasa. Haha! Pagpasok ko sa office ng Intellicare, hala, ang dami ulit tao. Buti na lang sa medical exam, wala. Kuha ng dugo, wiwi at x-ray. Tapos, physical check-up na. In fairness, may itsura ung doctor. Kapamilya din. di siya gwapo. Mukha lang siyang matalino at malinis. Pero wag ka, scruffy-looking. Ung tipong maginoo pero medjo bastos. Haha! Add the fact pa na doctor siya, kaya what a catch talaga. Hehe. In fairness saken, kahit na ngarag na ako ng bonggang bongga, kalandian pa rin naisip ko. haha! Ayun, chineck niya ang lahat sa akin, ang lahat lahat. Haha! Sabi nga ni Deo sa text, sungaban ko na daw. Nagpigil lang ako. Joke. Wala talaga aong plano gawin yon. Pinapabalik pa dapat ako kasi wala pa akong stool sample. Buti na lang nag cooperate si Tita Erna kaya di ko na kelangan bumalik.
Kanina, SSS ID naman ang project ko. In fairness ha, maganda ang SSS sa East Ave. Malamig ang aircon at talagang nagamit ko ang aking bagong jacket. Isang penitensya ang pagpila mula 8:30 hanggang 10:30. Bokot Mas mahaba pa ang oras sa pagpila kesa sa pag process ng ID. Bonggang bongga ang lamig. Si Manong na katabi ko nangingi nig na ata. Haha! At dahil wala akong magawa sa pila maliban sa sabayan Si Mariah, Beyonce, Dream Gilrls atbp sa pagbirit, ay nag sight-seeing na lang ako. Waley. Walang achievable don. Walang maganda at gwapo, ako lang. Haha! Swear puro matatanda ka join ko. Kaya wala din akong makausap. Kaya dead to the world ang drama ko. Ang SSS ID ay 3 months mo hihintayin. Kaloka lang di ba.
Paguwi ko, nakakatakot ung 2 lalake na kasabay ko sa jeep. May dalang malalaking bag. Naisip ko talaga na baka ma juldapi janjanlani (holdap) ang jeep. Kung makatingin kasi, nakakatakot. Well, ang ganda ko lang kasi at mukha akong mayaman kahit super dayukdok at purita ako. Oh well papel kahel, ganda lang talaga. Haha! sorry at self-absorbed lang talaga ako lately kasi naalog ata utak ko sa pag ccommmute ng bonggang bongga. Speaking of commute, may itsura ung konduktor ng bus. Hawig ni Marky Cielo. Hahaha! At mukha siyang malinis kaso di masyadong katangkaran.
Anyway, di ko pa rin ma upload ung pics ng The Denim Project nila Alric at Miggy kasi jologs ung PC, walang java kaya di pwede drag and drop. Wa vet ang isa-isahin lahat.
O xa, gutom na ako.
XOXO
Gossip Girl. Cheka.
No comments:
Post a Comment