Friday, May 16, 2008

Ready Na Kaya Ako?

Ayan, last day na ng pagiging bum ko. Bukas, 8:30AM, start ko na sa aking bagong work. Zara it is. Syempre ang unang concern ko ay kung ano susuotin ko. Wahaha! Ang babaw pero it matters. Well, sa mga naging officemates ko, alam ninyo kung gaano ako kaarte when it comes to damit. Hehe. Lalo na ngayon kasi nga kelangan matino always. Nung andun ako sa office nila, halos lahat ng tao naka ayos. Swear. Feeling ko nasa set ako ng 'The Devil Wears Prada'. Ok naman ang mga tao. Well, may isang girl na mukhang mahaderang ewan. Kebs, di naman kami pareho ng brand na hawak eh. At iba office ko, mas bongga.

Simula na ng aking pagiging sales person. Yuh, may ganon akong training. Kaya kung papasok kayo ng store at nakita ninyo ako, malamang pagttripan nyo ako. haha! Basta bumili kayo. Cheka. Kelangan ko ng bonggang bonggang all black outfits. Un kasi ung 'uniform' ata. Bahala na si batman.

Syempre, tapos na ang maliligayang taxi days ko. Goodbye taxi and hello MRT. Bokot. Makikipagsiksikan na ako sa masa. Hay. Ngaragan ito. Angdami pa namang mababantot sa MRT. Haha. At ang pinaka malaking conern ko ay magugusot ang damit ko at mahhaggard ang mader bag ko. Bahala na bukas.

Go lang ng go. Walang panahon.

Syet.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin