Yep, nagsimula na ako sa Zara noong May 16, 2008. Well, medjo tinatamad ako magsulat ngayon dahil kakagaling ko lang sa store. Ang masasabi ko lang, masaya pero ngarag ng bongga. As in walang sinabi ang IBM. Kalorky lang talaga. Syempre ang first day ko ay sa main office sa Makati. Akala ko naman na magtatagl pa ako dun ng isang linggo kasi may orientation pa. But no, ayun, the next day, fly to the store na ako. As in wala akong alam kung ano ang gagawin ko.
Syempre, pasok na ako at pinakilala na sa mg tao. Ok naman mga ka wok ko. Marami ding kalog. At wag ka, ako lang ang nagiisa at namumukod tanging diwata. hahaha! Well, may mga dadagdag pa ata. Malay. Kebs. hehehe...Ayun, nakatayo ako buong araw. Tupi ng damit dito, hang ng damit doon. Kaloaka lang. May I assist the mayayaman of the Philippines. Kung nasa Zara ka, di mo ma ffeel ang pagtaas ng presyo ng gasolina o ang kahirapan ng mamamayan o ang pagiging 3rd world country ng Pinas. Bakit? Hay nako, may mga nagsshopping na umaabot ng lampas 100K. No joke. Wish ko lang ganon ako kayaman.
Di ko hawak ang cellphone ko kaya sorry sa mga tawag at text na di ko nasasagot agad. Kung kelangan nyo ako, mas mainam kung upuntahan nyo na lang ako. At bumili kayo, wag lang basta manggulo ng tinda at nakakapgod mag tupi ulit. Kinakarma na ata ako sa gaain ko dati. haha! anyway, ang dami kong kwento. As in. Pero next time na. Wala sa mood eh.
XOXO
Mahaderang Fashionista
No comments:
Post a Comment