Anyway, gusto ko lang i-share na 3 weeks na ata ako sa work at pumayat ako. Wag kumontra. Leche kayo. Naisip ko lang, kung sinabayan ko pa to ng training for the UAAP Opening. By the way, UP ang host so dapat kayo manood kasi dinig ko ay bonggang bongga daw. As I was saying, kung nagsayaw pa ako plus Zara, say hello to Club Anorexia ako in 1 month. Hahahaha! Hmmm, di ko na kakayanin pagsabayin. Baka bigla na lang akong mahimatay sa pep o sa store. Nakakahiya lang ng bonggang bongga.
Malamang napansin ninyo na hindi na ako nag iinternet. Yuh, super detached na ako sa cyber world. Di nga ako makapag post ng pics eh. Di ko rin ma update ung multiply at lahat ng ibang sites ko. Nagbabayad na kasi ako sa cafe, unlike dati sponsored ng IBM ang cyber life ko. hahaha! Kakamiss din pala ang libreng internet. Tsktsktsk.
Naisip ko lang, kelangan ko na mag invest sa Zara clothes. Kaloka. Ang mamahal pa naman. Well, gusto ko lang i-share na I got my first Zara bag na. Hehe. Maganda siya. Pang mayaman ang itsura. Hahaha! Swak na swak sa motto ko sa buhay. Sa mga di nakakaalam sa motto ko, ito un:
"Ok lang walang pera basta masaya, maganda, at higit sa lahat mukhang mayaman."
Hahaha! Yuh, alam ko nakakaloka siya. But it works for me. Hehe. Grabedad, 2am na at nasa cafe pa ako. Ngayon lang kasi ako nagka oras mag net. Closing shift ako lagi kaya ang late ko umuuwi. Sana maging opening shift na ako.
Sa mga nagtatanong kung andun ako kung weekends, oo. May work ako pag weekends at weekdays ang off ko. Ayan ha, kung may kamultiply ako na magtatanong kung andun ako ng weekends, kakainin ko ng buhay. No pun intended. Haha! Alam nyo naman, kumakain ako ng tanga. Hahah!
O, uwi na ako. Late na. May work pa bukas. Daanan nyo na lang ako.
XOXO
Mahaderang Fashionista
No comments:
Post a Comment