Thursday, June 26, 2008

Zara End of Season Sale

The long wait is over.

Spring/Summer collections on sale starting June 26, 2008.

Be Hip.

Be Fashionable.

Be Elegant.

Visit the Zara store near you.

Saturday, June 7, 2008

Mahaderang Fashionista Ep. 2: Hindi Ako Discount Card

Hala, para matapos na ang pagtatanong ng lahat ng tao, WALA akong discount. As in WALA, WALEY, WIRIT, NADA, NONE, ZERO. Ayan ha, klaro na tayo jan. Walang discount sa Zara ang lahat ng empleyado pati ang mga Tantoco. So tama na ang paghingi ng discount. Mukha ba akong may sign sa noo ko na may nakalagay na "With Discount in Zara"? Buraot lang. Parang un na lang ang role ko sa buhay, ang magbigay ng discount. anu buzz, alam ko namang mayayaman kayo kasi kaya nyo bumili sa Zara noh. Hehe

Anyway, gusto ko lang i-share na 3 weeks na ata ako sa work at pumayat ako. Wag kumontra. Leche kayo. Naisip ko lang, kung sinabayan ko pa to ng training for the UAAP Opening. By the way, UP ang host so dapat kayo manood kasi dinig ko ay bonggang bongga daw. As I was saying, kung nagsayaw pa ako plus Zara, say hello to Club Anorexia ako in 1 month. Hahahaha! Hmmm, di ko na kakayanin pagsabayin. Baka bigla na lang akong mahimatay sa pep o sa store. Nakakahiya lang ng bonggang bongga.

Malamang napansin ninyo na hindi na ako nag iinternet. Yuh, super detached na ako sa cyber world. Di nga ako makapag post ng pics eh. Di ko rin ma update ung multiply at lahat ng ibang sites ko. Nagbabayad na kasi ako sa cafe, unlike dati sponsored ng IBM ang cyber life ko. hahaha! Kakamiss din pala ang libreng internet. Tsktsktsk.

Naisip ko lang, kelangan ko na mag invest sa Zara clothes. Kaloka. Ang mamahal pa naman. Well, gusto ko lang i-share na I got my first Zara bag na. Hehe. Maganda siya. Pang mayaman ang itsura. Hahaha! Swak na swak sa motto ko sa buhay. Sa mga di nakakaalam sa motto ko, ito un:

"Ok lang walang pera basta masaya, maganda, at higit sa lahat mukhang mayaman."

Hahaha! Yuh, alam ko nakakaloka siya. But it works for me. Hehe. Grabedad, 2am na at nasa cafe pa ako. Ngayon lang kasi ako nagka oras mag net. Closing shift ako lagi kaya ang late ko umuuwi. Sana maging opening shift na ako.

Sa mga nagtatanong kung andun ako kung weekends, oo. May work ako pag weekends at weekdays ang off ko. Ayan ha, kung may kamultiply ako na magtatanong kung andun ako ng weekends, kakainin ko ng buhay. No pun intended. Haha! Alam nyo naman, kumakain ako ng tanga. Hahah!

O, uwi na ako. Late na. May work pa bukas. Daanan nyo na lang ako.

XOXO

Mahaderang Fashionista

Tuesday, June 3, 2008

Mahaderang Fashionista Ep 1: Bonggang Bongang Ngaragan

Yep, nagsimula na ako sa Zara noong May 16, 2008. Well, medjo tinatamad ako magsulat ngayon dahil kakagaling ko lang sa store. Ang masasabi ko lang, masaya pero ngarag ng bongga. As in walang sinabi ang IBM. Kalorky lang talaga. Syempre ang first day ko ay sa main office sa Makati. Akala ko naman na magtatagl pa ako dun ng isang linggo kasi may orientation pa. But no, ayun, the next day, fly to the store na ako. As in wala akong alam kung ano ang gagawin ko.

Syempre, pasok na ako at pinakilala na sa mg tao. Ok naman mga ka wok ko. Marami ding kalog. At wag ka, ako lang ang nagiisa at namumukod tanging diwata. hahaha! Well, may mga dadagdag pa ata. Malay. Kebs. hehehe...Ayun, nakatayo ako buong araw. Tupi ng damit dito, hang ng damit doon. Kaloaka lang. May I assist the mayayaman of the Philippines. Kung nasa Zara ka, di mo ma ffeel ang pagtaas ng presyo ng gasolina o ang kahirapan ng mamamayan o ang pagiging 3rd world country ng Pinas. Bakit? Hay nako, may mga nagsshopping na umaabot ng lampas 100K. No joke. Wish ko lang ganon ako kayaman.

Di ko hawak ang cellphone ko kaya sorry sa mga tawag at text na di ko nasasagot agad. Kung kelangan nyo ako, mas mainam kung upuntahan nyo na lang ako. At bumili kayo, wag lang basta manggulo ng tinda at nakakapgod mag tupi ulit. Kinakarma na ata ako sa gaain ko dati. haha! anyway, ang dami kong kwento. As in. Pero next time na. Wala sa mood eh.

XOXO

Mahaderang Fashionista

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin