Eh kasi, di talaga ako fan ng paghihintay, lalo na pag mainit at mausok. Ayun, di na ako pumunta sa pupuntahan ko. Eh kasi na ngarag na ako sa ilalim ng overpass sa philcoa eh wala pa rin bus na aircon. Leche lang.
Kaya, fly to Trinoma na lang ako. At least dun malamig.
Nung pauwi ako, bumuhos ng bonggang bongga ang ulan. Bad trip. Bawal pa naman mabasa ang shoes ko. Bwiset.
Kaya eto, nasa SC ako, nagpapalipas oras. May nag interview din pala sa akin about the issue ng pag ban ng chinese dairy products sa Pinas. Buti na lang nanuod ako ng news kagabi. Hehe. At least may nasagot ako. Syet, mukhang di pa naman masyadong maayos ung buhok ko kanina. Rar. Sana kung i-air man un ay matino pez ko.
Maka uwi na nga.
Oist, pahingi ng trabaho o raket. Pwede din Human Hobby pampalipas oras lang. Haha!
No comments:
Post a Comment