Friday, October 31, 2008

Mga Bagay na nasa Pinoy Movies

Oo, mahilig din ako sa tagalog movies. Ayan ang mga usal elements ng pinoy movie with my comments. haha! Kung mahilig ka manood, malamang mapapansin mo na:

1. Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa 'yung mga ulo nila. (Laging may production number)

2. 'Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi. (Walang kamatayang scene)

3. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng "Inaaay!" at mangangakong
ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pansit nagdadala ng malas - nakakamatay. (The Pansit award goes to....)

4. Pag may magkaribal na babae, yung mabait deretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot. (Basta kulot, salot. haha!)

5. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala. (Oo nga!)

6. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban. (Korek, di man lang nadadaplisan)

7. Kapag may angry mob na pupunta sa bahay-kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider. (True, laging nasa harap at may dalang sulo with matching sigaw with the other mamayan)

8. Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya 'yung title ng pelikula. (As usual)

9. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, "Mga bata." (Ang tatanda naman na ng itsura)

10. 'Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. 'Yung bida naman ang nasa gitna ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang
niya arms niya covering his face tapos sisigaw 'yung kapatid ng 'kuyaaa!' ... Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama. (Iyakan na with matching hawak sa kamay ng nakaratay)

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene. (At biglang wala na ung sakit ng sugat)

12. Kapag sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: "hayop ka!" (Kahit tao man ay hayop rin)

13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending. (Read: Mara Clara)

14. Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster. (at naka curlers pa, minsan may abaniko din)

15. Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool. (At mag mimeeting sila sa isang veranda o Gazebo with alak na sosyal)

16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagi-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog. (Blag! Mag explain kayo! *sandal, slide pababa* Mag explain kayooooo!)

17. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga inutil!" (Ang lalaki ng katawan at ang dami nila ang lalampa naman. At ang usual na location ay lumang pabrika, abandoned building, tambakan ng lumang tren )

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya. (At laging may bala)

19. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya. (At laging may scene na sinusuklayan ang chakang anak)

20. Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast... sabay freeze.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin