
Ang daming nangyari. Syempre, anjan ang pagpapalit ng mga opisyal, ang mga kapitana at head drummer. Masaya ako para sa bagong officers. Kayo na ang magsisilbing lider ng grupo maliban sa kanila Coach Lala at NJ. Congrats kina Anna, Jens at JP para sa mga dancers
at sina Miggy at Boggie para sa mga drummers.
Syempre, lahat ng tao nawala sa comfort zone kasi drama skit ang labanan at hindi cheering. As expected, umiyak ang Reyna ng Banga, mamabaw kasi luha niya. Well, di lang siya kasi halos lahat ata ng tao ay naiyak sa mga itinanghal ng bawat grupo. Hanggang nagyon, tumuatayo pa rin balahibo ko at naiiyak pa rin ako pag naiiisip ko ang gabing iyon.
Pero maliban sa mga drama nun, may sari-sarili pa ring mga hinaing o kadramahan sa buhay ang mga tao. Ako sanay na sa pagiging single. Pero ewan ko ba kung bakit bothered ako sa pagiging close ng ibang tao. Sadyang chismosa lang ba talaga ako o talagang may pakialam ako? Ayoko man aminin pero, nagseselos ba ako? Una sa lahat, bakit ba naman ako magseselos?
Di ko pinapansin ung nararamdaman ko pero mukhang alam ko na ang sagot sa aking katanungan. Wala namang ibang mas nakakakilala sa sarili ko kundi ako eh. Hahay. Ewan. Nagiging emotera na naman ako.
Hindi. Di pwede.
Ayokong umulit ang nakaraan. At OK ang lahat ngayon. Bakit ko pa guguluhin di ba?
Eto na ata ang hinahanap kong gulo sa aking masyadong tahimik at maayos na buhay. Takte, sala sa init, sala sa lamig.
Sa totoo lang, medjo nalilito ako sa aking nararamdaman.
Tara, inuman na lang.
No comments:
Post a Comment