Thursday, April 8, 2010

Sana...

Sabi ko sa sarili ko dati, kelangan ko makahanap ng partner na kaya ako. Ung tipong nasasakyan mga kabaliwan ko, mga drama ko, at ang ugali ko. Simple lang naman hinihinling ko, ung tipong chill lang. Nakakapagod din kasi pag lagi na lang seryoso. Nakakabaliw rin kasi pag puro seryosong usapan. Gusto ko ung may tamang kulitan, tawanan at konting lambingan on the side.

Mahirap ba talaga ako mahalin?

Siguro oo, siguro hindi. Depende din kasi sa tao kung paano niya titingnan ang pagiging mahirap.

Masyadong maraming tao sa buhay ko. Di ko naman kasalanan kung social butterfly ako at sadyang marami akong kaibigan. Sa Facebook pa nga lang may 848 friends na ako. Well, karamihan naman talaga dun kilala ko, nakatrabaho o di kaya'y na meet ko at some point. Di ko hinihiling na kaibiganin mo silang lahat. Alam kong takot ka sa tao at ako naman ung sanay sa tao. Sana ay maintindihan mo na di ko rin naman kasi pwedeng iwan na lang sila. Unfair naman un. Pag kelangan mo naman ng oras, binibigay ko.

Hinid ako responsable sa mga sasabihin nila. Di ko naman kasi hawak mga isipan nila. Labas na ako sa kung ano man ang makikita nila. Ipagtatanggol kita sa paraang alam ko. Masakit din kasi sakin na husgahan mo mga kaibigan ko. Pero sabi ko nga, di ko rin hawak ang isip at opinyon mo.

Masyadong magulo buhay ko. Ang dami kasing tao. Pasensya, di kasi ako sanay na walang nakakausap o hindi lumalabas.

Sabi nila opposites attract. Parang magnet, pag magkaparehong poles, mag rerepel. Ewan. Mas exciting daw ang pagiging opposites. Pero bakit ganun, parang ang hirap din. Siguro masyado tayong magkaiba sa halos lahat ng bagay. Sa isang bagay lang naman tayo nagkakasundo, un ay ang pagmamahal natin sa isa't isa.

Sana ay maisip mo na mahal kita. Hindi ko na kasi alam kung paano pa ipapakita sayo. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kelangan patunayan sarili ko. Naguguluhan na rin ako sa mga pangyayari eh. Akala ko magiging masaya at steady lang. Pero bakit lagi na lang tayong may pinagtatalunan. ang masaklap pa dun, paulit ulit na lang ang mga un. Di ka pa ba nagsasawa sa mga bangayan na un?

Sorry kung tumataas boses ko. Sadyang pinaglihi lang siguro ako ng nanay ko kay Mariah Carey nung buntis siya. Konting pagsasalita lang, bigla bigla na lang bumibirit. Diva talaga siguro ako. Un nga lang, wala akong yaman o kahit ano man. Ang tanging meron ako ay ang sarili ko at IKAW.

Sana maging maayos ang lahat. Nakakapagod na rin kasi ang laging awayan.

Mahirap pero ginagawa ko ang lahat para maintindihan ang sitawasyon at para intindihin ka. Tama ka, bahala na kung san man tayo papunta. Sana lang may direksyon, hindi kagaya ng buhay kong nakikisabay lang sa hangin na kung san man mapadpad, dun na.

Sana maging masaya tayo lagi.

Sana maging OK ang samahan natin.

At sana isipin mo lagi na Mahal Kita. Walang halong etchos.

1 comment:

  1. Aww! I hope maging okay kayo. Give it a time. Teh, dalaga ka na! Relationship na itoooo.

    ReplyDelete

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin