Minsan sa buhay natin may mga taong sadyang darating para guluhin ang mundo natin. Ung iba ay may magandang naidudulot, ung iba ay pawang kaguluhan lang. Beautiful disaster. Bakit may ganon? Bakit may mga tao na kahit sandali pa lang nakikilala ay parang ang lalim na ng naging ugnayan nyo? Bakit sa sandaling panahon na kayo'y nagsama ay parang nabago niya buhay mo?
OA pakinggan na maiinlove ka sa isang taong sandali mo pa lang nakakasama. Nagtanong ako sa mga kaibigan ko. Gano katagal mo ba iddate ang isang tao bago mo ma realize na pwede nga siyang maging partner? Ilang araw? Linggo? Buwan? O aabot pa ba ng taon? Iba iba ang naging sagot nila. May isa na naramdaman na niya pagkatapos ng sila'y nagtalik na siya ring una nilang pagkikita. Meron naman pagkatapos ng ilang linggo o ilang buwan. May kanya kanyang oras ika nga. Pero lahat sila ay pareho nung sinabi nilang kusa mo na lang mararamdaman. Walang oras na sinasanto or sinusunod. Nagyayari na lang. Parang bombang sasabog sa mukha mo.
Bakit ko ba tinatanong ang mga ito? Simple lang. May gusto ako. Oo, minsan lang nangyayari sa akin to kaya pagbigyan nyo na ako. Un nga lang, di niya alam kung gusto niya rin ako. Naguguluhan pa. Di sanay sa ganitong bagay. Napagdaanan ko na to dati pa pero di ibig sabihin nun ay dalubhasa na ako sa laranagan na ito. Ngayon, di niya ako kinakausap.
Di ko alam kung permanente na ito o panandalian lamang. Nahihirapan daw siya sa mga pangyayari. Ang bilis. Ang gulo.
Di lang ikaw ang naguiguluhan. Di lang ikaw ang nahihirapan. Alam mo bang na mimiss ko mga text mo? Namimiss ko ang pagpapacute mo. Namimiss ko ang pagtatampo mo pati na rin ang pangaaway mo sa akin. Na mimiss ko ang pabango mong Clinique Happy at Charriol. Pag naaamoy ko yun ay ikaw ang unang pumapasok sa isip ko. Namimiss ko ang mahahabng pilik mata mo. Namimiss ko ang mga mata mo kung saan bakas ang pagaalinlangan, kaba at tuwa habang nakikita mo ako.
Sa madaling sabi, na mimiss na kita... ng bonggang bongga.
Sana kausapin mo na ako. Sana ay maalala mo ako kahit ilang saglit lang sa araw mo. Sana maisip mo na andito ako, hinihintay ang pagbabalik mo.
No comments:
Post a Comment