feb 23 na, birthday ni suyin, nasa philcoa kami nina drei and dax. pagod. bagot. sawi. kelan kaya to mawawala?. pagod na ako sa training dahil malapit na ang concert. pagod na ako sa acads, pero may break kasi di ako masyadong busy. pero higit sa lahat, pagod na ako sa pag aalala sayo. kagabi, super depressed ako. di ko alam kung bakit nagkaganon. and alam ko lang dahil sa stress. STRESS=IKAW.nakaka stress ang pag-ibig. sabi nila "love makes the world go around". oo nga around nga, pero sa sobrang pag-ikot nito, nakatuon lng sayo. oo, sayo umiikot and aking "make believe" na mundo ko. nakakaloka ano?
break. natuwa ako. pumasa ako sa finance, pati sa exam sa convergys.baka my trbaho ako sa summer. ang saya ano? pero hindi. masaya man ako sa aspetong ito, i still can't deny the fact na malungkot ang lovelife ko. ay! teka, wait, sandali. ang tanong, "meron ba?". hahay. ang gulo.
sabi mo depressed ka today. di mo ma gets kung bakit. sinabi ko na sobrang depressed din ako, pero kahapon nga lang. tinatanong mo ako kung bakit, sabi ko wala lng. di ko gets. pero sa loob loob ko, IKAW and dahilan. sabi nga ni drei at dax, move on na daw ako. la akong mapapala sayo kundi heartache. OO na, talaga ngang HEARTBREAKER KA! ouch.
ewan. sabi nga nila love is blind. oo bulag ako. nabulag ako dahil umasa ako. pathetic noh? duh! TANGA lng talaga ako. galing ko magbigay ng advice sa iba pero sarili ko di ko matulungan.ironic noh?
ganito na lang tlaga cgro papel ko sa buhay. magmamahal, aasa, masasaktan, magpaka bitter, magpaka tanga.
pero ang di ko talaga gagawin ay ang iyakan ka. di ikaw ang unang magppaiyak saken. di pa pinapanganak ang taong magpapaiyak sa akin.
over and out.
No comments:
Post a Comment