SABADO ngayon. gimik night para sa maraming tao.
FETE de La Musique daw sa Podium. oh well, gusto ko sanang pumunta kaso wala akong kasama. tutoot! tutoot! biglang pasok ang text message ng friend ko asking me kung asan daw ako. i simply said na nasa dorm ako. he told me that he was in the Fete with some friends. being the curious cat that i was, tinanong ko kung kasama ba niya SIYA. after a long time of waiting and series of missed calls, he replied, but he never answered my question.
BORED ako buong araw. pumunta ako ng katips kanina kasama mga dorm mates ko. nanuod ng basketball game sa kalayaan dorm at umuwi na. feeling ko magkakasakit ako kanina. ang init ng pakiramdam ko. pero sa awa ng diyos at nawala pagkatapos kong bumaba at makisaya sa mga nag papa-sign ng sigsheet.
ROOM. humiga at pinilit ang sarili matulog. di ko magawa. naiisip ko kasi na magkasama sila. eh anong bago dun? hahay. wala naman, kaso di kasi namin yan nagawa nung mga masasayang araw namin. never kami gumumik together. never kami ngpakuha ng pictures, never kami nag usap ng matino.
CLOSURE. un ang bagay na wala samen. OO, alam ko na walang "KAMI" pero sana man lang nagkaroon ako ng chance na masabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. maraming bagay ang di namin napaguapan. nag away, nagtampuhan, nagkabati na lng at lahat, never kami nag usap. weird noh?
ONE DAY ONLY. sabi ng roommate ko pano daw pag bbinigyan ako ng chance para makasama SIYA isang araw bilang KAMI papayag daw ba ako? napaisip ako. kaya ko bang maging masaya ng isang araw lang at masaktan ulit sa susunod? kaya ko bang makasama siya ngayon at bukas hindi na?
SAGOT. sabi ko ayoko. bakit? kasi ayaw ko maging unfair sa sarili ko at sa kanya. oo, ipokrita ako kung sasabihin kong di ako magiging masaya kung naging kami even for just one day. ang iniisip ko, sasaya nga ako kaso panandalian lang. masakit yun. nagyon kayo, bukas sila na ulit. ouch!
PC. ito ang tanging outlet ko ng mga feelings ko. kung makakapagreklamo lang toh, malamang sukang-suka na ang PC saken. wala na akong ibang sinabi dito kundi ang mga kasawian ko sa buhay. kelan pa kaya ako mgiging masaya sa buhay ko? kelan ko pa kaya mararanasang mahal din ako ng minamahal ko?
TANONG. minahal niya kaya ako ng sobra sa isang kaibigan? kahit minsan kaya naisip niya na magiging kaming dalawa pero natatakot lang siya sa sasabihin ng iba? ito ang lan lamang sa maraming tanong ko na naghihintay ng kasagutan. sana man lang bao ako umalis sa Unibersidad ay maliwanagan ako.
CONFUSED. bangag ako sa mga nangyari sa buhay ko for the past 9 months. pathetic noh? di makapag let go? hahay. moving on is easy, letting go is the hardest thing to do. hirap makalimutan ang isang taong natutunan mu nang mahalin. sana matuto na akong bumitaw. pagod na ako.
tama na. amat na ako sayo...
No comments:
Post a Comment