Sunday, June 5, 2005

Buhay

Patuloy tayong namumuhay sa mundong ito. nararanasan natin ang halos lahat na ng emosyon na alam ng tao. nasubukan nating maging masaya, tumawa at humalakhak. may mga panahon naman na tayo ay malungkot, nagmumukmok, lumuluha. halu-halo ang mga naaramdaman natin. minsan napapaisip ako, bakit ganito ang huhay ng tao? sadya ba talagang ginawa ng diyos ang mundo na magulo? o tayo lang ang nagpapagulo? ewan. sa tingin ko, nasa plano ng diyos ang lahat ng nangyayari sa buhay ng tao. pero parang ang sama ng dating nun, pinaplano ng diyos na masaktan tayo sa isang bahagi ng buhay natin? di ba siya naaawa sa atin? siguro nga, un ang kanyang paraaan para malaman kung gano tayo katatag. sabi nga nila binibigyan tayo ng panginoon ng pagsubok kasi alam niya kaya natin. malaki ang kanyang tiwala niya sa kakayahan natin kesa sa tiwala natin sa sarili.

ang galing Niya ano?

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin