isang araw, may magkakaibigang nag-uusap.
"hanggang kelan ka ba magiging ganyan?"
"huh? magiging ano? di kita gets."
"magiging bitter."
"ahhh. ewan ko. di ko alam. pero malapit na mawala."
"ok. sabi mo eh. may mga tao talagang nahihirapan ma-get over."
"oo nga. isa ata ako dun."
"hahay. ano ba kasi ang meron siya at di mo pa makalimutan?"
"di ko nga alam eh. tinatanong ko rin yan sa sarili ko, nahihirapan akong sumagot."
"mahal mo lang, ganun?"
"oo. nagising na lang ako isang araw, mahal ko na."
"at bakit?"
"well, maganda mga mata niya. ang cute nya tingnan, magaling sumayaw, maganda katawan. ayun."
"ngek! un lang?"
"well, marami pa. di ko nga alam. di naman siya ganun ka gwapo. mukha pa ngang elf minsan eh. hehehe."
"sira ulo ka. manlait daw ba!"
"di ah, nagsasabi lang ng totoo."
"whatever!"
"ewan ko nga ba friend, mahal ko talaga kahit sobrang nasaktan na ako at lahat."
"ano ba talagang nangyari? naging kayo ba?"
"hahay. wish ko lang. NEVER naging KAMI."
"so ano un, close friends lang?"
"oo, parang ganun na nga.”
“ahhh. Eh bat di mo siya makalimutan?”
“kasi, umasa ako na isang araw, magiging kami.”
“at bakit ka umasa?
“eh naman, kung titingnan mo kami parang KAMI talaga. Minsan, tinanaong ko xa kung ano ba talaga kami. Sabi niya friends, special friends. Sagot ko, oo nga friends lang tayo pero everybody else around us is saying that we’re too close for comfort to be just friends.”
“ganun?”
“oo. Naaalala ko pa ung days nung lagi pa kaming magkasama. Ang saya namin nun. Magkasama kami halos buong araw. Pag may free time siya, magtetext un at hahanapin ako tapos punpuntahan niya ako. Pag gabi at super bored siya sa dorm, tatanungin niya ako kung busy daw ba ako. Kung hindi, he’ll ask me kung pwede ko bad daw siya ipuslit sa dorm. Ayun, tapos dun siya matutulog. Tabi kami.”
“di nga? Tabi kayo? As in tabi?”
“oo noh. Eh ano naman kung tabi kami?”
“wala lang. may nangyari?”
“gago. Sira ulo toh. Wala noh! Kahit sobrang gusto ko siya. It never crossed my mind ang ganun.”
“seryoso ka ba? Kaw pa, eh ang landi mo.”
“shit ka! Di noh. Mahal ko talaga un kaya ganun.”
“oo na, sabi mo eh. Kaibigan mo ako kaya naniniwala ako. O ano pa?”
“basta, ang saya ko nung mga araw na un!”
“alam ba niya na mahal mo siya? “
“oo, nasabi ko sa kanya.”
“o ano nangyari?”
“ewan. Gulo nga eh. May times na OK lang, pero may times din na nag freak out siya.”
“labo.”
“labo talaga.”
“so, ano ba talaga siya? PLU ba siya?”
“yan ang tanong na di ko masagot hanggang nagyon. Kahit sobrang galling ng radar ko.”
“duh. Eh sa opinion mo, ano siya?”
“feeling ko, di pa niya matanggap sarili na or kinda confused pa.”
“siguro nga. So malamang, iniyakan mo na?”
“hahaha!!! Yan ang isang bagay na di ko ginawa at wala akong planong gawin. DI SIYA ANG UNANG LALAKING MAGPAPAIYAK SA AKIN!.”
“aba. Statement ah!”
“talaga! I’m too tough to cry. I need to be strong not only for myself but also for the people around me.”
“naks! Tatag mo. Iba ka.”
“oo nga eh. Di ko nga alam san ako kumukuha ng lakas.”
“hahay. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig noh?”
“oo nga eh. Dami ko natutunan kahit di man nagging kami. Minsan din naman ako naging masaya eh. Ok na un!”
“ok ba talaga o sarcastic ka?”
“ok lang ako. Natanggap ko na na kahit kelan never magiging kami.”
“ok lang yan. Kaya mo yan. Basta andito kami. Anu ba? Ang dami jan sa paligid oh!”
“oo nga. Hahay. Sana nga mawala na toh.”
TUTOOT! TUTOOT!
“Ay, tara na. alis na tayo. Hinihintay na nila tayo sa mcdo.”
“o tara. Sa susunod ko na itutuloy kwento ko. Uy, wag ka maingay ha? Pramis?”
“yep, pramis!”
“pramis? As in kahit pumutok man suso ng nanay mo?”
“hahaha. Gago! Oo na! pramis!”
“o xa, tara!”
itutuloy...
No comments:
Post a Comment