Saturday, November 25, 2006

Huling araw bago bakasyon

Pagising ko kanina, medjo tinatamad ako kasi ayaw ko na sana pumasok. But no! Kailanagn kasi 2 weeks akong mawawala! hahaha! ang saya divine? Imbey nga lang kasi na move na naman ng sunday ang flight namin. Hay naku, baka naman sa kaka move niyan overnight na lang kami dun? tsktsktsk.

Eto ako ngayon, ang aga pumasok para matapos kunyari ang lahat ng gagawin ko. As usual, internet na naman una kong inatupag. Mamaya na ako magwowork kasi konti lang load ko. hehehe. Like any normal office day, andito ang aming "favorite" Team Lead. Duh! Sana lagi siyang wala para masaya. Habang sinusulat ko to, di pa dumarating ung isang usiserang team mate ko. Sana na lamunin na siya ng lupa. Imbey to the nth level ung babaeng un.

Excited na ako. At last, makakauwi na ako after 3 looong years. heheh. Ano na kaya itsura ng place namin? Wish ko lang di kami ma bore dun. Ah basta, magpapakasaya ako sa 2 weeks na yun. Ayoko isipin ang trabaho. Actually, maghahanap na rin ako ng ibang work. tae dito eh. Nakaka bobo na, bwisit pa ung ibang tao. sorry kung ang nega ko pero yun ang totoo.

Di ko pa naaayos mga gamit ko. Wala pa nga akong bag eh. Sako na lang siguro para mas pang probam ang drama. hahaha! Di ko pa natatahi mga sira ng uniform ko pati ung chaka poi ko. hahay. Bahala na si batman.

Mamimiss ko mag internet ng 2 linggo...huhuhu..di ko ma ccheck multiply, mail, friendster, atbp.

O siya, magtatrabaho muna ako kunwari...

Tuesday, November 21, 2006

Bored....

Another Monday. Another typical day at work. Here I am, blogging while at work, listening to Britney Spears. Right now, I’m not doing anything productive for the company. I'm simply wasting electricity and adding to the traffic in the network.

I feel like I need to move. I need to look for another job that would help me grow as a person as well as challenge my skills. This was not what I had in mind. I never wanted to do audit work. I’m far too unpredictable for that. Numbers have always been my waterloo yet here I am, stuck in auditing travel expenses. Fate huh?

The only thing that is drives me to stay is the unlimited internet access (haha!) and the flexible environment. I can easily take leaves, practice flexi time, grab a cup of coffee anytime I want to etc. I don’t know if the little perks will outweigh the negative side.



I need a break. I’m getting ice cream.

Saturday, November 18, 2006

Pep Quotes

Lately, nauso ang mga nagsasalitang bagay. May mga sibuyas na nang-aaway, Balut na naghihinagpis atbp.

Maraming nasasabi ang mga pep na talagang nakakaloka. Dahil magkakasama tayo ng at least three hours sa gabi at kung minsan ay higit pa, di maiiwasang may masabi na talagang nakakatuwa. Eto ang ilan sa mga quotable quotes ng mga pep o mga nasabi sa mga pep.

"Mag explain kayo!" - Deo dela Cruz nang mahuli ang jowa na may kasamang iba.

"Di ka naman pangseryosohan eh..." - Boylet nang itanong ni Mapat Ferrer kung ano siya sa buhay ni guy. Ouch!

"Bakit ka namin isasama? Kasali ka ba sa circle of friends namin?" - Ali Santos para kay LR Arceo nang magtanong ang huli kung bakit di siya sinasama pag may gimik. May I walk-out ang drama ni bakla.


Scenario: Tinawag si Dax ng nanay niya, kwentuhan daw sila.

Mama: "Anak, nagyoyosi ka ba?"
Dax: "Huh? di ah. Di ako nag yoyosi."
Mama: "So, bakla ka? Siga na sabihin mo na, di ako magaglit."
Dax: (napa-isip) "Oo na...Nagyoyosi na ako."


"Mahalin mo ako, wag mo lang akong saktan." - Paul Tagalan to Mapat Ferrer. Lagi kasi nachochova fez niya pag binubuhat si mapat.

"Hay naku, kung napatawad nga kita, si mapat pa kaya?" - Lr to Bryan ng mag naganap noong Pep Night. Hahahaha!

"Why won't it click?! Oh, it's a video!" - Ivy Tabares to the camera kasi nabobo sa phone ni Mapat.

"Filipino" - Sagot ni Deo sa Form 5 for Country of Citizenship. Take note: 2 sems bat iba pa ang nakapansin.


Scenario: after concert, may tumatawag kay Anzy sa cellphone niya.

Isang pep bakler: "Sino yan? Boylet noh? noh?!"
Anzy: "Di ah. Babae to. HE'S my friend!" (huli ka!!!)

"Thank you parents!" - Anna Cruz nang malasing sa Pep Night

"Bye guys!" with matching kaway - Anna Cruz ulet to strangers outside Xanland


Scenario: Deo and Oley nasa labas ng SM fairvew, nagyoyosi, at may lumapit na pulubi.

Pulubi: "Kuya, palimos po."
Oley: "Ay, wala akong pera eh."
Pulubi: "Bakla po kayo?"
Oley: "Di ah...may 2 anak na nga ako eh."

Walang nasabi si Deo sa hirit ni Oley.


Scenario: Sa labas ng Ultra, hawak ni Rico Elumba (kuluterang bakla na malang di inabutan ng marami) ang clappers ng mentos.

Pulubi: "Kuya, akin na lang po yan."
Rico: "Ay, di pwede eh. Gagamitin pa kasi namin eh." (laro laro ulit)
Pulubi: "BAKLA!!!"
Rico: (na imbyerna) "MAHIRAP!" lakad palayo....bumalik..."PULUBI!!!!"....lakad ulet, lingon.."WALA KANG KAKAININ MAMAYANG GABI!!!!!"


"Kasi dapat isipin mo na, I am America and you are Columbus, discover me. Dapat ganun." - Lr to Mapat. Wala daw kasing boylet si Mapat kaya nag payo naman daw ang ateh.

Whapak! takbo ng slight. Lingon sabay turo. "Kulang pa yan. Kulang pa yan" - Paul tagalan pagkatapos sapakin si Bry.

"U Ni Abe!" - Coach Lala nang ma-lost sa UAAP05 cheers.

"Bry, naaalala mo ba ung September 11? Ung gabing inagaw mu ang lahat sa akin? chos!" - Lr to Bry...No further explantions your Honor.


Scenario: Last night sa Bora. Lasing na si Oley in her nakakaloka outfit with paper plate bracelet.

Oley: "Anzy, may pag-asa pa ba ako sayo?"
Anzy: "Ha? Eh, friends lang talaga eh."
Oley: "Hmpf!" - with matching dabog and walk out.

"Ha? Anung batute?" (dapat butete) - Monica Sison


So far, yan pa lang ang mga nalalagay ko. So kung may idadagdag kayo, go lang. Sabihan ninyo ako. hehehe..

Thursday, November 16, 2006

Irreplaceable

Yan ang pamagat ng bagong kanta ni Beyonce. Astig. Girl Power! Ipinakita dito na kaya niyang makalimutan ang isang guy, ika nga "replaceable" sila (guys). Misleading ung pamagat kasi aakalain mo na di niya mapapalitan, un pala kaya niya.

Sa akin kaya, applicable to? Oo, alam ko, di ako girl. Ung sitwasyon ang ibig kong sabihin.

Madali nga banag palitan ang isang taong minahal mo ng todo?

Eto na naman ako, nagsusulat tungkol sa pagmamahal. Palibhasa, hopeless romantic kasi ako. Laging sawi kaya hanggang sulat at kwento lang.

Isang malaking irony ang LOVE. Magkahalong saya at lungkot, ngiti at simangot, tawa at iyak, sarap at sakit and nadarama. Bakit nga ba maraming nagmamahal kahit alam natin na masasaktan lang tayo? Bakit ang daming tao ang naniniwala sa pag-ibig na ito lagi ang topic ng isang kanta o pelikula? Bakit ang daming tao na may significant other (SO) pero ung iba naman ni isa wala?

Pagnamamahal tayo, binibigay natin ang lahat. Hanggang darating sa punto na wala ng natira para sa sarili. Nagiging bulag tayo sa katotohanan na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente, na lahat na bagay ay may wakas. Oo, bitter ako pakinggan pero may sense di ba? Pagmahal mo ang isang tao, nabubulag tayo sa iba niyang kataingian. Ika nga sa ingles "You see through his faults.".

Marami sa atin ang "Go lang ng Go! Walang panahon!" pagnagmahal. Tapos pagnasaktan, ayaw na kunwari pero pag may bago, go ulit. Labo. Oo, nagiging tanga tayo pag in-love, not to mention super corny and cheesy. Pag in-love, feeling natin inspired tayo with matching cupids flying around us. Ung feeling mo kaya mo ang lahat.

Pag nabigo ka sa pag-ibig, naglalabasan na lahat ng katangahan. Anjan ang I-cried-myself-to-sleep na drama. Before matulog iyak. paggising iyak ulet, pagligo iyak na naman with matching hagulgol ang tulo ng sipon. OA ha. Kadiri pero totoo.

Shopping, ito ang favorite pastime ng marami. Sukat dito, bili doon. Pagkatapos, saka mu na lang maiisip na naglaho parang bula ang pera mo.

Inuman. Non-stop inuman session with the barkada. Tagay then toast sabay sigaw ng "For the wound that never heals!!". Bottoms up! Lasing na, ilalabas na ang mga hinanakit. Iiyak na naman kasama ang iba pang lasing na mga kasama.

Magpapakabitter. Uso yan. Daig pa ang isang kilong amplaya sa kapaitan. Ibang level ang pagka nega sa pag-ibig. Mahilig sa mga sawi stuff, ung mga nakakaiyak. Minsan naman nagiging galit sa mundo. Kunyari ayaw na, pero pag meron ulit, sige na nga ang drama.

Ewan ko. Ang labo talaga ng tao. Alam na masasaktan, siga pa rin. Di na nadala.

Kaya ako, eto, ampalaya pa rin.

Tuesday, October 31, 2006

Starbucks' Treat a friend day


10/31/06 - Naisip ko lang, mag tatapos na pala ang taon. November na bukas, then December, tapos bye bye 2006, hello 2007 na! Parang ang bilis ng mga pangyayari. Di ko man lang namalayan na lilipas na naman ang isang taon. Anu-ano nga ba ang mga nagawa ko ngayong 2006?

Maraming nangyari sa 2006. Nagtapos ako, nagkatrabaho, nag bakasyon sa Bora, nakapagsayaw ulet sa UAAP games, nagkaroon ng mas maraming kaibigan, naging bitter, naka get-over. Ay! Wait. Get-over?!? Ano yun?

Hahaha! Sabi nga ng friends ko, tanga daw ako. Duh, don't state the obvious naman di ba? Akala ko ba friends will understand? Ay basta. From now on, sabi ko nga, ayoko na sa boys. Kebs na muna. Papayaman muna ako at mag eenjoy. Darating din ako jan.

Pessimistic na ako. Ayoko muna isipin na may isang tao sa mundo na sadyang nabuhay para sa akin. Ung sinasabi nilang destiny daw ba. Isa lang sure ako, may Destiny's Child at ang galing nila, loser nga lang minsan si Michelle...hehe

Sobrang natuwa ako dahil na realize ko tanga talaga ako. (applause!) Wow! What a late realization ateh! Eh lahat tayo nagiging tanga pagnagmamahal di ba? O, ang mga ipokrita tigilan ako.

Sa ngayon, "I Don't Need a Man" ang kanta ko. Salamat sa PussyCat Dolls at may theme song ako. Tama na. Sawa na ako masaktan. Panahon naman siguro na pagalingin ko muna sugat ng puso ko di ba?

Basta, saka na ung makabagbag damdamin na entry. Wala ang emote juices ko eh.

Thursday, September 21, 2006

NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT KA PA SINGLE?

SINGLE: Minsan ayos lang kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan, lalo na't malamig ang hanging o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa mundo. nakakamiss yun.

kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging boyfriend?

1. Masyadong independent

baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun nalang sil! a sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2. Mataas ang standards mo

siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo...oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboyfriend at maggirlfriend ngayon. puro friends nalang.

3. ubod ka ng kasungitan

maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.

4. masama ang ugali

kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng 'peek-a-boo' BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo magbago. magdasal ka kay lord. ng mataimtim ha.

5. nagkukulong sa bahay

walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka...pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6. mukha kang losyang

ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI!!! dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayo! s at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7. masyadong magaling

medyo sensitive itong tapic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila saiyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na icompromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong maintimidate.

8. sobrang busy

alam mo ba ung kantang 'Narda'? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta nalang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpluck ng kilay mo wala kang time.

9. dala ang bigat ng kahapon

may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa. tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman?

10. masyadong masyado

masyado maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung humble lang ka, wag mayabang, at imbis na maging hambog, share nalang the blessing. hindi ka lang maganda/matalino/talented/mayaman, mabait pa. im sure, lahat mahuhumaling sayo.



at eto ang pinakamatindi sa lahat:

11. Wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend

shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga. hindi purkit na hindi ka na magkakaboyfriend ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano say! o si Lord kaya gusto niya na wala kang boyfriend. siguro kaya wala kang boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, baka kelangan ang full time and support mo sa organization mo...maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari.

kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin nalang ang best para magstay siya sa buhay mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka.

Monday, August 7, 2006

Jealousy is one ugly thing upclose.


Tanga ako. Aminado naman ako eh. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ganito. Pinilito kong kalimutan ka. Ang ibaon ka sa aking nakaraan at kahit kelan di na babalikan pa. Pero bakit ganito? Hanggang ngayon hinahanap-hanap ka pa rin mg puso ko. Hanggang ngayon, kahit papano, mahal pa rin kita.

Akala ko wala. Over na ako sayo. Pero bakit sa araw-araw na pagkikita natin lagi pa rin kitang pinagmamasdan? Bakit kahit di na tayo naguusap gaya ng dati ay sobrang hangad ko pa rin ang makausap ka kahit sandali. Gusto kong malamang kung anong bago sa buhay mo, sa acads mo, sa lovelife mo.

Tama nga sila, di nga matuturuan ang puso kung sino ang mahalin nito. Kahit sobrang sinaktan mu na ako dati, eto pa rin ako, go pa rin sa pagmamahal sayo. Di ko alam kung bakit ganito na lang ang pagpapahalaga ko sayo gayung wala ka naman pakialam saken.

Nasugatan ka. Gusto kong tulungan ka, kaso nangibabaw ang pride ko. Sabi ng utak ko na wag na. Nung nangyari sa akin yan, never mo akong tinulungan. Di ako mapakali. Gusto kong malaman kung napano ka, kung ok ka lang. Sa huli, kahit labag man sa pride ko, tinanong pa rin kita kung ok ka lang.

Ilang taon na tong katangahan na toh. Di ko lubos maisip kung bakit ako nagkakaganito. Ano bang meron ka na wala sa iba? Anong ginawa mu sa akin at bakit hanggang ngayon, di ko pa kayang pakawalan ang mga masasayang alaala ko sayo?

Pagod na ako.

Wednesday, May 31, 2006

at work...


it's been months since my last entry. I guess i was just really busy these past few days. So many things happened...

Wednesday, February 8, 2006

1 message received

"zzz...zzz..." sabi ng vibra ng cellphone ko. nasa trabaho ako, nakikinig sa lecture tungkol sa computer. binuksan ko ang Inbox ko at nagulat nang makita ko panagalan mo ang nakalagay. Pagkatapos ng lahat ng mga pangyayari, madalang na lang tayo mag text. business text lang, kumbaga ung mga may reli lang. magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Di mu kasi gawain ang maunang magtext, lalo na sa akin. Nang mabasa ko mensahe mu, alam ko na kung bakit ka nagtext. Alam ko problema mo. Di naman sa chismoso pero sadyang lumalapit lang talaga ang balita sa akin. Nagreply ako at nagsimula na tayong mag text. Damang-dama ko ang iyong kalungkutan. Ewan ko ba pero tagos talaga sa loob ko. Di ko alam kung nararamdaman ko yun dahil naaawa ako o sadyang malakas lang talaga pakiramdam ko pag dating sa mga bagay na may kaugnayan sayo.

Nagsimula ang lahat ng problema mu nung nagtext ung isa nating kaibigan. Maraming bagay ang sinabi niya sa iyo na di maganda. Oh well, as usual, nabasa ko ang mga ito. Ako lang ata ang taong nakakaalam ng buong storya at ng iba't-ibang panig. Dahil sa mga text niya, nagaway kayo ng 'nililigawan' mo, di ka nakapag-aral at walang masagot sa exam, at nagkagulo kayo ng kaibigan mo. Magkahalong lungkot at inis ung laman ng mga text mu. sabi mu sobrang wala nang direksyon buhay mo, sabog ang lahat at di ka makapagisip ng matino. hahay! Dumaan din ako jan. Malamang di mu alam yan kasi yun ung 'katangahan' days ko. gusto mung umuwi at iiwan ang lahat. buti na lang pinigilan kita.

Pagkatapos ng trabaho ko, sumaglit lang ako sa bahay tapos sinundo na kita. Ok lang kahit wala akong tulog, eh ikaw yan eh. Ewan ko nga ba at sobrang lakas mu sa akin. Nung makita kita, bakas sa mga mukha mu ang lungkot. Nagusap tayo at pinayuhan kita. Sana man lang ay na-absorb ng utak mo ang mga pinagsasabi ko. Gusto mong sapakin friend natin. Sabi ko, walang magandang maidudulot yan.

5:30PM. Nasa UP gym na tayo para sa training natin. Napansin ko na tinitingnan mu na siya ng masama. Nung nag water break tayo, Whapak! Sinapak mo siya ng walang pasabi sabay alis. Maga ang mukha niya. Well, di kita masisisi kung bakit mo ginawa sa kanya yun. Naguluhan ang mga tao sa nangyari. Buti na lang magkahiwalay training natin.

Ngayon, di ko alam kung ano na ang mangyayari. Sabi niya papasuspend ka raw niya. Sana magbago isip niya. Alam kong magiging mahirap sayo un, running for honors ka kasi. Alam ko medjo bangag ka ngayon dahil sa mga pangyayari. Sana ay maging Ok na ang lahat. Mahirap ang pinagdadaanan mu ngayon pero alam ko kaya mo yan. Kung kinaya ko nga dati bat di mu kaya di ba? Eh mas malakas ka sa akin eh.

Panibagong araw. Sana wala nang gulo mamaya. Sana maayos na to lahat.

Sana.

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin