Eto na, Feb na. Buwan ng mga Puso. Leche.
Oo, bitter pa rin ako. Always have been and always will be. Ewan. Pinaglihi ata ako sa ampalaya. May mga bagay lang talaga sa mundo na mahirap baliwalain.
Ayoko nakakakita ng mag jowang super sweet. Naiirita ako. Sabihin niyo na na naiinggit ako. Di naman. Wala, ayoko lang talaga.
Naaalala ko kalagayan ko. Bakit ba ang ibang tao may love life pero karamihan wala? Swerte lang ba talaga sila at nakita na nila ung taong nagpapatibok ng puso nila? Marami akong pagmamahal na pwedeng ipamigay, un nga lang walang pagbibigyan. Ewan.
Sa tingin ko, di na ako magkaka love life. Siguro nga may ibang plano ang Dakilang Lumikha para sa mga katulad ko. Sabi ko, "I Don't Need a Man" ang song ko. Kung ganon, eh bakit ko pa ba inaasam na may mahanap? Ang labo talaga. Kinokontra ang sarili.
Siguro nga di ko pa siya nakikilala. Lagi kasi akong napupunta sa maling tao. Leche, baka sa hayop bagsak ko nito. Wag naman sana.
Kung may paligsahan ng pagka bitter, siguro mananalo ako. Kung pwede lang akong yumaman dahil dito, siguro milyonaryo na ako.
Ang buhay pag-ibig kasi ay parang Deal or no Deal. Swertihan.
Kaso ako, palaban, go lang ng go. No Deal ng No Deal. Kasi akala ko nasa briefcase ko na ang jackpot, un pala wala. Kaya eto, nawala ang lahat. Walang naiwan kahit konti.
Sana nag Deal na ako sa simula para di masyadong masakit ang pagkawala.
Haaayyy...
No comments:
Post a Comment