Tootoot! Tootoot! Pagbukas ng inbox ko, pangalan mo ang lumitaw. Bakit naman kaya dis oras ng gabi ay nagtetext ka pa? Nagreply naman ako at nagsimula na tayong magtext. Di ko alam kung bangag ka lang or likas na talaga sayo ang maging makulit. Kakaiba ang mga naging tanong mu nung mga sandaling yun.
Siyempre, sinasagot naman kita. Honest tayo sa isa't-isa. Masyadong honest nga minsan eh. Oo, nega na ako sa maraming bagay pero aminin mo marami kang natututunan sa mga pinagsasabi ko. Lagi mong sinsasabi na lagi kitang inaasar at puro "kamalian" mo na lang ang lagi kong napupuna.
Di ko alam kung bakit ganun ako sa'yo. Siguro dahil nagiging feelingero ka na sa paningin ko at gusto ko lang ipaalala sa'yo na manatili ka sa lupa. Marami ka ring sablay noh. Hanep ka kasi sa self-confidence eh. Actually, pareho pala tayo, mas malala ka nga lang.
Masaya ako pagkasama kita at alam kong ganun ka rin sa akin. Wala na tayong ginawa kundi magasaran, maghanap ng cute, mag sine, magsunog ng pera at kung ano pa. Marami kasi tayong katangian na pareho kaya di na ako magtataka kung bakit nagkakasundo tayo.
Naging takbuhan kita noong mga oras na kinailangan ko ng kasama. Dahil sa'yo, unti-unting nag iba ang ilan mga pananaw. Kaya ko palang mag mahal muli. Na kaya kong makalimot at iwan ang lahat ng hinanakit ko sa mundo.
Nagpapasalamat ako at binigyan ako ng pagkakataon na makilala ka ng lubos. Salamat sa lahat ng payo, kulitan, puyatan, kwentuhan atbp. Muling nagkakulay ang mundo ko. Dumami ang Pink. Kikay ka rin kasi eh.
Di ko maintindihan kung bakit ikaw ang nasa isip ko ngayon. Ewan. Ayoko ng ganito. Mali. Hindi dapat.
No comments:
Post a Comment