Parang nasa crossroads ako ngayon. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. May training ako 6-10pm at the same time may meeting ako sa office ng 7-9pm. Di ko alam kung anu gagawin ko. Oo, nauna akong mag commit sa training kaso kelangan ko rin ng konting spice sa boring na trabaho ko. Ewan. Bahala na si Batman kung saan man ako mapadpad. Kelangan ko na magseryoso sa buhay.
Ang lamig dito sa office. Habang pinapakinggan ko ang mga senti songs ko, mas na feel ko ang lamig. Syet. February na, Buwan ng mga Puso at ng Pagmamahalan. Bat ganun? Di ko nadarama to? Dahil ba sa bitter at nega ako? O dahil malungkot lang talaga ako? Tanga ako pagdating sa pag-ibig. Hirap makalimot. Maraming hang-ups, maraming tanong na naghahanap ng kasagutan.
Umambon kaninang umaga. Di ko alam kung coincidence lang kasi " Officially Missing You" ang tumutugtog na kanta. Sino naman kaya mamimiss ko? Wala. Wala nga ba, o pilit ko lang tinatanggi sa sarili ko ang katotohanan na meron nga? Ang hirap ng ganito. Ung tipong iba ang sinasabi ng isip mu sa sinisigaw ng puso mo. Bat ba kasi may mga taong sobrang mahirap kalimutan? Di mu naman nakasama ng matagal pero ang laki ng epekto sa buhay mo. Ung iba naman parang magnanakaw, dahan dahang papasok sa buhay mo at biglang aalis tangay ang ang lahat habang ikaw ay mahimbing sa pagtulog. Pagkagising mo, wala na ang mga iniingatan mong bagay.
Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. May mga panahon na sobrang saya mo na parang nasa ulap ka at lumilipad, may mga sandali namang sobrang lugmok ka sa kalungkutan na parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, ang iba easy lang. Dapat natututo tayo sa mga pagkakamali natin. Kaso ang iba sa atin (gaya ko) di na nadadala. Basta, kinakain lang ako ng senti songs. Pinapamukha lang na malungkot ako. Lecheng mga kanta to.
No comments:
Post a Comment