Saturday, August 30, 2008

Mahaderang Fashionista Ep16: Goodbye Zara

Yes friends, wala na ako sa Zara. So utang na loob, wala nang magtatanong kung may discount ako. Hehe. Di na kinaya ng powers ko ang environment at ang maliit na sahod. Take note, sahod, hindi sweldo. Potah lang.

After ma nenok ung cellphone ko, ayoko na talaga. Tapos, nalipat pa ako sa Rockwell na bonggang bongga ang layo sa bahay ko. Pagoda na nga, lugi pa sa pamasahe. Di talaga worth it.

At eto pa, akala ko sa Rockwell walang nakawan. But no. The night before lumipata ko, ung isang manager nawalan ng telepono. O di ba, winner ang nakawan blues. At eto ang matindi, ninakaw ang necktie ko. Yes, ung Zara necktie na part ng uniform ko. O di ba, winner. Pati uniforn nininenok na. Leche lang. Sabi pa nila, babayaran ko raw un. E nasa 1950 kaya ang necktie dun.

Sana hindi totoo na babayaran ko. Leche. Purita na nga ako eh. Pero ok lang. Mas masaya ako na wala na ako dun. Kahit isang kahig isang tuka ang buhay ko, ok lang. Di hamak na maligaya naman ako. Nung dati, sinusumpa ko na ang pagpasok. At least ngayon, petiks mode lang ako.

Kaya ayun, di ko alam kung mabubuhay pa ang blog series na ito. Kung retail ulit lilipatan ko, baka pwede pa. Hehehe.

XOXO

Mahaderang Fashionista No More

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin