One week na ako sa Rockwell. Super iba nga. Exaj ang trabaho, nakakaloka ang mga customers at steady lang ang mga tao. Pero i pa rin talaga nagbabago ang isip ko. Gusto ko pa ring umalis. Ewan. Mukhang masaya ang work ko noh? Honestly, hindi.
Ewan pero di ko na talaga siya na eenjoy. OK fine, kasalamuha ko nga ang mga mayayaman at ang magagandang damit pero di ako masaya. Pumapasok na lang ako dahil kailangan ko, hindi dahil gusto ko. Sad but true.
Di na naman ako pumasok. Tinatamad na talaga ako at nag rrush pa ako ng trabaho. Firsst time in two years na nag uwi ako ng trabaho sa bahay. Pota.
Actually, wala akong idea kung paano ko gagawin ang trend/ product analysis na to. Di naman ako computer para malaman kung ano at ilan ang benta ng mga damit. Malay ko ba noh. Kaya hanggang mgayon, iniisip ko pa kung anong pambobola gagawin ko sa report na to.
Di pa ako tumatawag para magsabi na absent ako. Well, chaka din talaga pakiramdam ko. Ewan. Bwiset.
Hahay. Basta. ayoko na.
XOXO
Mahaderang Fashionista
No comments:
Post a Comment