Medjo matagal ako di nagsulat. well, umuwi kasi ako ng probinsya ng isang linggo para sa libing ng Lola ko. Masakit. Malngkot. Pero tanggap ko ang lahat. Panahon na rin para magpahinga na siya. Ilang beses lang ako muntik maiyak noong araw ng libing.
Tirik ang araw sa langit. May konting ihip ng hangin. Ang dami kong naisip habang naghihintay sa kapatid ko na matapos magsalita para magbigay din ng Eulogy ko. Muntikan lang pumatak ang mga luha ko. Ewan pero pinigilan ko siguro. Hindi dahil may mascara ako o masisira makeup ko. Marahil ayoko magpakita na lumuluha. Ung tatay ko d rin umiyak. Sa tingin ko namana ko sa kanya un.
Sadyang maiksi lang ang buhay ng tao. Kaya dapat magpakasaya at ilagay ang lahat sa lugar para sa pagpanaw mo ay di mahihirapan ang mga maiiwan mo. Ang daming tanong sa utak ko. Ang daming bagay ang bumabagabag sa puso ko. Nanadiyan na ang patuloy na problema sa pera. Andiyan din ang pagiisip kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Tama nga sila, ang edad na 25 ay panahon ng quarter life or mid life crisis.
Ang gulo lang ng isip ko. Napaka unstable ko daw. Minsan ang saya ko tapos bigla na lang akong malulungkot at gustong umiyak.
Ewan.
Sana makita ko na ang mga senyales o ang mga sagot sa mga tanong ng puso at utak ko.
Sana talaga.
Sana.
No comments:
Post a Comment