Tuesday, April 19, 2005

crazy for you

unfortunately, di na post ung drama entry ko. ewan. nagloko ang laptop. anyway, ito aang nangyari:

minsan, isang gabi, sobrang desperado ako magfriendster. nung mabuksan ko ang aking account, natuwa ako dahil may mga new pics and mga bora pips. naintriga ako. sabi ko, titingnan ko lahat para masaya. tapos tiningnan ko ang profile ni ___. nakita ko may pix sila. ouch! sabi ng puso ko. feeling ko tinusok ng barbeque stick and puso ko. hahay. keri lang. siya un eh. profile nya un, di naman kay heartbreaker. wait! i-check ko kaya ung kay heartbreaker. click dito, type doon. tsadan! lumabas din. uy1 dumami ang photos, 7 na. syet. anu kaya toh. bago ang primary photo. cute nga nya eh, kaso keebler elf pa rin. ayun, tingin tingin, then AYUN!!! naloka ako sa nakita ko. may pix silang dalawa. argh! ouch! agay! aray! lahat na ng expression pag nasasaktan. syet! feeling ko, hinampas ng tubo dibdib ko, kinuha puso ko, sabay pinatakan ng kalamansi sugat ko! waaahhh!!!! ewan, basta ang alam ko muntik ako maiyak. nagtaka nga si guy eh bat teary-eyed and lola moh. pero wait, di ako umiyak ha. iba ang teary-eyed sa umiyak.

hahay. ayun. kausap ko p si Rj sa Ym. kahit nga siya na alarm sa decision ko. sabi ko uwi na lng ako sa cagayan de oro, magiisip, magmumuni-muni. hahay. inisip ko pa magpakamatay. naisip ko magbigti, kaso iitim leeg ko, pangit sa burol. inisip ko maglaslas ng pulso, kaya lang takot ako sa dugo. inisip ko magpasagasa sa lRT, kaso pagbaba ko pa alng sa riles ng tren, may multang P50,000.haggard! inisip ko mag overdose, kaso baka mahilo lang ako at magsuka, di na nga ako namatay, pagtatawanan pa nila ako. hahay. syet. so ayun, i ended up deciding na wag na lang. mahal pa naman mamatay ngayon.

naglakad lakad ako sa labas ng dorm, nag isip sa may kiosk. inisip ko ang mga sakit na naramdaman ko para maiyak ako. oo, inisip kong iyakan na para matapos na rin toh. kaso, reason got the better of me. ayaw pumatak ng luha ko. pagkatapos ng mhabang oras na pagmumuni muni at FLPI sa kiosk, nilamok na ako. kaya pumasok na ako ng dorm. hahay. ayun.

sira ulo talaga ako noh?

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin