Tuesday, July 29, 2008

Mahaderang Fashionista Ep. 13: Rockin' Rockwell

Yuh, it's official. I'm moving to Rockwell starting August 4, Monday. Haaay... Ang layo. Haggard ang commute. Actually, di ko talaga problem ang new crowd. Madali naman akong makibagay. Medjo nasanay na sa Shang na maging maka-masa. Hahaha! Cheka. Ang pinaka concern ko ay ang pagpunta at pag uwi from there. Haggard ang 2 rides. Nasanay ako na pagbaba ko, Shang na. Ngayon, may jeep ride pa. Potah. Dagdag pasahe na naman. Rar.

Sabi nila OK daw training sa Rockwell. Malamang. Main at first Zara sa Pinas. Marami daw ako matututunan. Well, mukhang challenging nga talaga considering the fact na ayoko na sana talaga sa Zara. Target nila, manager na ako by Sept 30 bago mag open ang Zara sa Greenbelt 5 sa October. Patayan ang 2 months na ito. Leche. Mentor ko ay ang Retail Manager ng Rockwell. Bongga di ba?

Hahay. Sana man lang ay tumaas na rin ang sahod ko at literal na wala na akong kinakain. Swear. No wonder ang payat ko. Yehey! Balingkinitan na ulit ako. Ganun talaga pag naghihirap ka na! Hahaha! Oh well papel kahel, di naman halata. Fabulosa pa rin ako.

Sabi nila katakot daw mag commute lalo pag gabi sa Estrella at Guadalupe. Naisip ko lang, kelangan low profile na. In short, mukha akong dukha pag lumalabas pag gabi. Mahirap na baka ma juldafi jajanjalani (joldap) akek. Di na ata kakayanin ng powers ko un. Kaya naisip ko, di super fabulous ang mga outfit lalo na pag closing shift.

Hahay. Ang layo ko na talaga sa QC. Wala pa naman akong plano lumipat ng bahay. Saka ko na iisipin un kung may sariling branch na ako. Kung di na talaga kaya, time to leave UP na. Huhuhu...

Hahay. Ayun. Rockwell Diva na ako... soon.

XOXO

Mahaderang Fashionista

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin