Saturday, July 19, 2008

Mahaderang Fashionista Ep.10: Nginiiig...

Nung Wed July 16, binista ako ni Ajjie at Yucel. Dahil masakit pa rin ng bongga ang bunot +n tumutubong molar ko, binigyan ako ni Doc Yucel ng Gamot - Arcoxia. Matindi daw un. So ok kasi wala na ang sakit daw. So chika chika kami then pumasok na ako. Ininom ko na ang gamot.

Edi umuwi ako agad kasi medjo pagod ako. So ayun, the usal akyat sa aking kaharian sa tuktok ng Hardin ng Rosas. Totoo, yan ang name ng building namin. O di ba, very bading. Pagdatin ko sa tuktok, hala. Ibang bahay dinatnan ko. Swear, iba talaga. Nakabukas ang ilaw, walang curtina at may water dispenser. Nung tiningnan ko ang sign sa door, tamang address ang nakalagay. Meaning bahay ko nag un. Hala, kinabahan ako. Haller, nung nasa baba ako, patay ang ilaw ng bahay at walang tao at may curtina ang mga bintana. Dali dali akong bumaba para i-double check kung tama ung hagdan na inakyatan ko. Tama.

Syempre akyat ako ulit at pagdqating ko, bahay ko na. Nakapatay ang ilaw, may curtina at walang tao. Syet, ang weird talaga. Tinanong ko na kay Doc Yucel kung may haluucinationg chever ba ung gamot, wala daw. Di naman ako lasing nun kasi di ako pwede uminom ng alcohol. Syet. Ano un?

Sa tingin mo, epekto ng gamot o sadyang maligno lang?

Yikes.

XOXO

Mahaderang Fashionista (scared lola mo)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin