Yes mga friends, ang aking 6300 ay nawala/ninakaw kahapon, July 18, 2008. Alam ninyo kung saan? Sa loob ng bag ko na nasa loob ng Managers' Office. O di ba, winner ang Zara? Napag isip isip ko tuloy na mag resign. At least ngayon may rason na ako para umalis. Mantakin mo un, 2 months pa lang ako nawalan na ako ng cellphone. Eh paano na lang kung 2 years pa, ano ang susunod? Bag? Necklace? Ay ewan.
Buti sana kung kalakihan ang sweldo ko at kaya kong bilhin ang phone na un sa iisang cut-off. Feeling ko nga parang minimum wage lang nakukuha ko. Punyetang bwakanang shiiiyet yan! Potah, binili ko ung phone na un ng unang labas. As in like di pa siya umiinit sa display ng nokia, binili ko na. Rar! Nakakaasar talaga!
Wishful thinking ako na pagpasok ko ngayon ay andun siya sa office ko at naghihintay para batiin ako ng isang maligayang araw like he always does. Ung tipong kakantahin niya ulit ang Touch My Body ni Mariah as pampagising or gugulantangin ako ng 4 Minutes To Save the World ni Madonna at Justin Timberlake as my ringing tone.
Ung mga pictures ko dun! Ung ad for D&G, Fossil atbp. Ung mga photo shoot eclavu! Huhuhu. May copy naman ako pero haller iba pa rin ung marami kang back-up. Sa isang taon na nasa aking ung phone ang dami na naming narating. Kasama ko kaya un sa Singapore at Indonesia, Bora, at kung saan pa. Wala na akong cam phone. Chaka phone na lang. Rar. Kabawasan sa pagmumukhang mayaman. Cheka.
Nakakainis talaga! Ung postpaid pa talaga ang nawala! Lahat ng contacts ko dun! huhuhu. Wala akong back-up. Well as if naman makakabili ko ng high-tech na phone anytime soon. Bwiset. Sayang. Hahay. Pero wala na akong magagawa.
Kung sino man ang kumuha ay sana may matinding pangangailangan. Sana nakatulong ng onti sa kahirapan mo. Pota ka, ako pa ninakawan mo e pareho lang tayong dukha. Un nga lang, in style ako, malamang ikaw hindi. Mahirap! Pulubi! Wala kang kakainin mamayang gabi! Anyway, sana kung pinakain mo man un sa pamilya mo, sana maisip mo na sa bawat subo nila ng masarap na pagkain ay maiisip mo ang mga messages at pictures na naka store dun. Sound mababaw pero swear, bwisit lang.
Anyway, I still have the same number. Papaayos ko sa Globe later. For now, I'm using my prepaid 0917-4090159. But I always use my postpaid 0917-5081684. Text ninyo ako at magpakilala kayo. Di ako nagccheck ng multiply so walang sense para iiwan ninyo dito.
Un lang. Buraot to the nth fatal level.
XOXO
Mahaderang Fashionista
No comments:
Post a Comment