Bawal talaga lalake sa fitting room. So ako, hanggang labas lang talaga at tigakuha ng damit. Duh, paki ko ba sa boobs at keps noh. Kung llake un pwede pa. Hahaha! Syempre, ang daming bloopers sa fitting room.
Customer 1, nag ffit siya ng tube dress. Si Gaga lumabas tapos medjo off ang itsura ng damit. So mega payo kami na ayusin ang pagkkasuot. Balik siya sa loob then voila, lumabas. Wag ka, baliktad ang dress. Ang zipper nasa harap. Haha! Tanga ampotah. Kaloka lang. Hagikhikan kaming lahat ng bongga.
Customer 2, ewan ko ba anong meron sa mga tube dress at nahuhumaling ang mga babae dito, mapa payat man o mataba. Eto si customer, medjo may klakihan. Ok fine, mataba siya. Naghhanap siya ng outfit for her birthday party ata. Nag fit iya ng Large. Ngayon, sira daw ang zipper kaya ngpahanap ng iba. Syempre, ll out kaya wala na. Di kais maangat ang zipper, as in hindi ma close. Haller, sa laki ba naman niya noh. Mukha siyang chorisong nakabalot sa plastic na blue na mukhang puputok any monching. Kalorky. Gusto ko siyng sabihan na "Ma'am, damit po yan hindi condom na stretchable." Lol. So, huhubarin na niya. Hala, hindi mahubad hubad kasi na stuck ang zipper. Tinawag pa namin ang alterer to help her out of the garment. Sa awa ng diyos, nakalabas ang balyena. Nung sinuri namin ang damit, day, OK ang zipper. Sadyang mataba lang talaga siya.
Customer 3, kakatapos lang mag fit at nagppakuha ng ibang size. Biglang may umiyak na bata sa kids' section. Si customer tinapik ako sabay sabi" Miss, Miss, pabantay ng damit sandali, umiiyak kasi anak ko.". Wow! Miss na pala ako. Bwahaahaha!
Customer 4, kasama ang mudra. Si gaga ngffit ng tube top. Bwiset na tube top at dress yan, susunugin ko na talaga yang mga yan. Iisang klase ng damit at size, ilang piraso ang finit ni gaga. Kesho mluwang, weird ang fit atbp. Bwiset. Gusto na nga namin dalhin ung buong rack ng naka hang na tube sa kanya at malunod siya ng tuluyan ng di na siya utos ng utos. Buraot lang.
Customer 5, nagffit siya ng pullover. Un ung knitted na pinapatong sa polo para mukhang preppy. Pwede din siya isuot as is. Nagpapakuha siya ng large. Ilang beses din ako pabalik balik kasi ang kulit ni potah. Ibang color, iabang stock etchos chever aneklavu. Syet siya. Nung finit niya, hala, ang laki ng puson. Ang chaka lang. Kebs, basta marami kami benta. Hahaha! Ang pinaka nakakalokang request ni potah, kumuha daw ako ng iba, ung mas malambot. Nyet yan, anong gusto niya, i-Downy ko un? O baka naman paluin ko na parang bakang gagawing beef steak. Gusto ko siya sapakin. Di p naman maganda.
Hay nako, feeling ko mas maraming nakakalokang kwneto today. By the way highway my way, today ang start ng SECOND MARKDOWN. Yes, mas mababa ung ibang prices. Kaya gora na sa pinaka malapit na Zara.
Bwiset ang keyborad ng PC. Sensya kung may typo.
XOXO
Mahaderang Fashionista
No comments:
Post a Comment