Swear, halos lahat ng items on sale ay all out. Meaning wala na sa stock room. But no, may mga customers na saksakan ng kulit na nagpapakuha pa sa loob. Haller! Dito kayo nagttrabaho? Leche.
Customer 1, nagppahanap ng large. Eh alam ko na nagiisa at bukod tangi na lang ang damit na un. Sabi ni gaga "May nakita pa akong isa dun." Gusto ko lang siya sigawan nawala na nga at bat nagmamarunong pa siya. So nagpanggap ako na naghahanap para naman di ma imbey si Ate. Wala na talaga. Pinagod pa ako ni pota.
Customer 2, nagpapahanap ng cocktail blouse. Hala, naloka si atashi kasi ang alam ko cocktail dress lang. Pero game, may I bigay pa rin ako ng mga blouse. Si Mare choosy, paano, medjo majubis lola ninyo. Mega hanap ako ng mga blouse. Sa wakas may nagustuhan din siya. Buti naman at luray na ako sa kakahanap. Pang photo shoot daw kasi nila. Bongga ung blouse niya, daming bulaklak at buhay na buhay ang kulay. Para siyang isang malaki at mayabong na hardin. Lol! Nung magbabayad na, bigalang may nilabas siayng blazer na ipapa exchange daw niya. Hala, so tinanong ko kung may resibo, wala daw. Patay. So binigay ko sa manager ko. Nung sinuri namin, mukhang nilabhan na ni loka. Di na pwede ibalik. So super explain kami sa kanya na bawal. Sa hinaba haba ng usapan, di kami pumayag kaya umuwi siya na walang bitbit kundi ang blazer niya. Potah, pinagod pa ako wala din naman pangbili. Mahirap. Pinagmayabang pa ung 11,000 na Paul Smith blouse na suot niya eh kinda chaka at mukhang kupas na. Well, pwede rin na design un. Kebs. Dukha pa rin siya. Haha!
Customer 3. Ok naman siya, medjo imbey lang kasi pinahagilap saken ang lahat ng Large ng isang damit. Iba iba daw kasi ang fit sa kanya. So hinanap ko at binigay ko lahat. Leche. Nung babayaran na niya, hala, pina steam pa saken ung damit. Rar! E super ayaw ko mag steam kasi mainit. Pwes, may I utos akek sa iba. Haha! Luot si bakla. Mission accomplished.
Customer 4. Gabi na kaya medjo pagod at buraot na ako. Hala, ang lola ninyo nagppahanap ng Large o XL. Pano ba naman kasi, ang laki niya teh, parang balyena lang. Di ko nga alam kung may size kami para sa kanya. Na haggard ako sa kakahanap ng damit. Pagbalik ko, nagbabayad na si pota. Next time na lang daw. Nyete lang.
O di ba, kaloka ang mga customer. May mga OK din naman. Pero may iba talaga na buraot lang. Hay nako, buti magaling ako mambola. May iba kahit medjo chaka ang damit, go lang ako kasi mahal at para mataas ang benta namin. Haha! Pero depende un ha, minsan honest naman ako sa pagsabi na chaka ang fit ng damit.
O xa, pinapalayas na kami dito sa cafe. Rar. Until next time.
XOXO
Mahaderang Fashionista
No comments:
Post a Comment