Wednesday, July 2, 2008

Mahaderang Fashionista Ep. 4: Bratinella

une 30, 2008. Sa wakas, medjo kumonti na ung tao. Haggard. Ung store ay mukhang ukay ukay. Ung tables na dati damit ang laman, ngayon ay pares pares ng sapatos. Ung mga damit ay halo halo na rin kaya ang hirap maghanap ng sizes. Nagka hiwa-hiwalay ang mga magkakamag-anak na damit. Bokot talaga. Ang latest assignment ko ay bilang runner aka utusan. Tigakuha ng sizes, tigabalik ng mga damit galing sa fitting room. Ganun. Haggard talaga. Buwisit pa ang mga spag straps na nalalaglag sa hanger. Imbey pa ang mga customer na nag iinsist na may stocks pa. Eh totoo naman talagang all out na ung sale items eh. Nagmamagaling pa ang mga potah.

Syempre, since wala masyadong tao,medjo petiks lang. Ang lunch break ko ay 1:30 pa. Grabe, Tom Jones na talaga na ako. As in like super. So sabi ko, since wala namang tao, baka pwede na akong mag break. Ok naman sa mga kasama ko. Tapos,nung nag log-out n ako sa biometrics system( o di ba, sosyal kami, hi-tech!), biglang sabi nung isang "manager" bumalik daw ako sa selling area. From the very start, di ko talaga siya feel. Di siya mabait saken eh. Basta, siya lang ng taong ayoko at nega talaga sa office. Di siya maganda at magaling. Enough said. Haha!

Siyempre nairita ako ng bonggang bongga. Pordat, sabi ko na hindi talaga ako magbbreak dahil maghhalf day ako. Naloka ang mga utaw. Kebs. So nag work lang ako at wala akong kinakausap masyado. Buti na lang medjo pangit din ang pakiramdam ko kaya may dahilan ako para mag inarte. Hehe. Kaya ginamitn ko ang aking artista powers plus the sakit ng ulo at katawan para mag paalam na maghhalf day. Wa tanong si manager at pinauwi na ako. Mahirap na kasi, baka magsabog pa ako ng virus. Hehe.

Bratinella ako. Eh ayaw nila ako pagbigyan magbreak ng maaga, pordat, uwi na ako. Hehe.

Kebs.

XOXO

Mahaderang Fashionista

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin